+ -

عَنْ جَرِيرٍ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ يُحْرَمِ الرِّفْقَ يُحْرَمِ الْخَيْرَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2592]
المزيــد ...

Ayon kay Jarīr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2592]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan kaya hindi siya itinuon para rito sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo, sa ginagawa niya rito para sa sarili niya, at sa ginagawa niya rito sa iba sa kanya, pinagkaitan nga siya ng kabutihan sa kabuuan nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Tamil Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng kabaitan, ang paghimok sa pagsasakaasalan nito, at ang pagpula sa karahasan.
  2. Ang kabaitan ay may pagsasaayos ng kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay at pagpapalawak sa nauukol sa dalawang ito. Sa karahasan ay may kasalungatan niyon.
  3. Ang kabaitan ay inireresulta ng kagandahan ng kaasalan at kaligtasan samantalang ang karahasan ay inireresulta ng galit at kagaspangan. Dahil dito nagbunyi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kabaitan at nagpalabis dito.
  4. Nagsabi si Sufyān Ath-Thawrīy (kaawaan siya ni Allāh) sa mga kasamahan niya: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang kabaitan? Ito ay na maglagay ka ng mga bagay sa mga kalalagyan ng mga ito: ang katindihan sa kalalagyan nito, ang kabanayaran sa kalalagyan nito, ang tabak sa kalalagyan nito, at ang latigo sa kalalagyan nito."