+ -

عن أنس رضي الله عنه قَالَ: كُنْتُ أمشي مَعَ رسول الله صلى الله عليه وسلم وَعَلَيْهِ بُرْد نَجْرَانيٌّ غَلِيظُ الحَاشِيَةِ، فأدْرَكَهُ أعْرَابِي فَجَبذَهُ بِرِدَائِهِ جَبْذَة شَديدة، فَنَظَرْتُ إِلَى صَفْحَةِ عَاتِقِ النَّبيِّ صلى الله عليه وسلم وَقَدْ أثَّرَتْ بِهَا حَاشِيَة الرِّدَاءِ مِنْ شِدَّةِ جَبْذَتِه، ثُمَّ قَالَ: يَا مُحَمَّدُ، مُر لِي مِنْ مَالِ اللهِ الَّذِي عِنْدَكَ. فَالتَفَتَ إِلَيْهِ، فَضَحِكَ ثُمَّ أَمَرَ لَهُ بِعَطَاءٍ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang.nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak kaya nakita ko ang gilid ng balikat ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumakat nga doon ang gilid ng balabal dahil sa tindi ng hatak nito. Pagkatapos ay nagsabi ito: O Muḥammad, mag-utos ka para sa akin na bigyan ako mula sa yaman ni Allah na nasa iyo. Kaya lumingon siya rito at tumawa. Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinabatid ni Anas, malugod si Allah sa kanya: "Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang. nakasuot siya ng isang balabal" ibig sabihin: kasuutang tinahi ang dulo. Ang "Najrāno" ay salitang nakaugnay sa Najrān na isang bayan sa Yemen. "Naabutan siya ng isang arabeng disyerto." ibig sabihin ay nahabol siya nito. "Hinatak nito siya sa balabal niya" ibig sabihin ay hinila ng Arabeng disyerto ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa balabal niya nang matinding hatak. "bumakat nga doon" ibig sabihin sa gilid ng balikat niya. Nagpatotoo si Allah sa sabi niya: "Ang mga Arabeng disyerto ay higit na matindi sa pagtanggi sa pananampalataya at sa pagkukunwari sa pananampalataya at higit na nababagay na hindi makaalam sa mga hangganan na ibinaba ni Allah sa Sugo Niya." (Qur'an 9:97). Pagkatapos ay nagsabi ito: "O Muḥammad," halatang siya ay kabilang sa mga Muslim na wala pang pananampalataya dahil doon ay ginawa niya ang nagawa niya. Pagkatapos ay kinausap nito siya sa pangalan niya habang nagsasabi nang marahas sa harap nang taong may maladagat sa lawak na kabaitan: "mag-utos ka para sa akin" ibig sabihin mag-utos ka sa mga katiwala mo na magbigay sila sa akin o mag-utos ka na magbigay alang-alang sa akin. "mula sa yaman ni Allah na nasa iyo." ibig sabihin "na hindi mo ginawa kaya ibigay mo" gaya ng nilinaw sa isang sanaysay kung saan nagsabi ito: hindi mula sa yaman mo ni mula sa yaman ng ama mo. Sinasabi: Ang ibig sabihin nito ay salapi ng zakāh sapagkat siya noon ay gumgugol ng bahagi nito sa mga Muslim na wala pang pananampalataya. "Kaya lumingon siya rito" ibig sabihin ay tumingin siya rito na nagtataka. "at tumawa" ibig sabihin: bilang pagpapakita ng kabaitan. "Pagkatapos ay nag-utos siya na bigyan ito."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin