Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Katotohanang mangyayari sa mga susunod sa akin,ang pagkamakasarili,at mga bagay na tatanggihan ninyo!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at nagmalupit siya sa kanila, magmalupit Ka sa kanya; ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) Napag-kaisahan ang Katumpakan,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naalala ko ang tipak ng ginto sa amin,kinamumuhian ko na maging abala ako [ sa pag-iisip nito],kaya ipinag-utos kong ipamahagi ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Anak ko,Tunay na narinig ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Katotohanan ang pinakamasamang Pastol ay yaong marahas)) Kaya`t iwasan mong mapabilang ka sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang. nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapahuli sa paglalakbay at nag-aakay ng mahina, nag-aangkas, at dumadalangin para rito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O pinuno ng mananampalataya,Tunay na si Allah ay nagsabi sa kanyang mahal na Propeta: { Magpakita kayo [ O Muhammad] ng pagpapatawad,at magtagubilin kung ano ang mabuti,at lumayo kayo sa mga mang-mang}[Al-A`raf:198] at ito ay mula sa mga mang-mang,Sumpa sa Allah,hindi siya pinalampas ni `Umar ng basahin niya ito,at siya ay naninindigan sa [anumang nakasulat] sa Aklat ni Allah-Pagkataas-taas Niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na may mga tao noon na nabubuko dahil sa pagsisiwalat [ni Allāh] sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Tunay na ang pagsisiwalat [ni Allāh] ay naputol na. Ibinubuko lamang namin kayo sa ngayon dahil sa nalantad sa amin na mga gawain ninyo. Kaya ang sinumang naglantad sa amin ng kabutihan, patitiwasayin namin siya at ilalapit namin siya. Wala kaming pakialam sa kinikimkim niya. Si Allāh ay magtutuos sa kanya sa kinikimkim niya. Ang sinumang naglantad sa amin ng kasagwaan, hindi namin siya patitiwasayin at hindi namin siya paniniwalaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ay nagtakda noon para [sa bawat isa] sa mga naunang nagsilikas ng apat na libong [dirham]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu