+ -

عن نافع: أنَّ عمرَ بنَ الخطابِ رضي الله عنه كانَ فرضَ للمهاجرينَ الأولينَ أربعةَ الآفٍ، وفَرَضَ لابنِه ثلاثةَ آلافٍ وخمسمئةٍ، فقيل له: هو من المهاجرينَ فَلِمَ نَقَصْتَهُ؟ فقالَ: إنما هَاجَرَ به أبوه. يقولُ: ليسَ هو كمن هَاجَرَ بنفسِهِ.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Nāfi`, si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ay nagtakda noon para [sa bawat isa] sa mga naunang nagsilikas ng apat na libong [dirham] at nagtakda para sa anak niya ng tatlong libo at limang daang [dirham] kaya sinabi sa kanya: "Siya ay kabilang sa mga nagsilikas kaya bakit binawasan mo siya?" Nagsabi siya: "Inilikas lamang siya ng ama niya." Sinasabi niya: "Siya ay hindi gaya ng lumikas dala ang sarili niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay si `Umar sa mga nagsilikas ng tig-4,000. Ang anak niya ay kabilang sa mga nagsilikas subalit siya ay nagbigay rito ng 3,500 dahil siya ay naglikas dito noong ito ay hindi pa tumuntong sa sapat na gulang. Hindi niya itinuring na isama ito sa mga nasa sapat na gulang. Dahil dito, binawasan niya ang bigay rito kung ihahambing sa sinumang naglikas ng sarili na kabilang sa mga lumikas. Ang kamunduhan ay hindi pa nakilala matapos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Si Abū Bakr naman ay isang tagapamahalang walang hilig sa kamunduhan at may takot kay Allah sa yaman ng Kalipunang Islam tulad ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ganito ang isinasatungkulin sa sinumang nangangasiwa sa anuman sa mga kapakanan ng mga Muslim: na hindi siya papanig sa isang kaanak dahil sa pagiging kaanak nito ni sa isang mayaman dahil sa yaman nito ni sa isang maralita dahil sa karalitaan nito, bagkus ilalagay niya ang bawat isa sa kalagayan nito. Ito ay bahagi ng takot kay Allah at katarungan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin