+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم أنه كان إذا أكل طعاما، لعق أصابعه الثلاث. قال: وقال: «إذا سقطت لُقمة أحدكم فليُمِطْ عنها الأذى، وليأكلها ولا يَدَعْهَا للشيطان» وأمر أن تُسْلَتَ القَصْعَةُ، قال: «فإنكم لا تدرون في أيِّ طعامكم البركة» وعن جابر بن عبد الله رضي الله عنه أن رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم قالَ: "إنّ الشيطانَ يَحضُرُ أحدَكُم عندَ كلِ شيءٍ من شَأنِه، حتى يَحضُرَهُ عندَ طعامِهِ، فإذا سَقطتْ لقمةُ أحدِكُم فليَأخُذْها فَلْيُمِطْ ما كانِ بها من أذى، ثم ليَأكُلْها ولا يَدَعْها للشيطانِ، فإذا فَرَغَ فليَلْعَقْ أصابعَهُ، فإنه لا يَدري في أيِّ طَعامه البركة"
[صحيحان] - [حديث أنس رواه مسلم. حديث جابر رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik at Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Siya noon, kapag kumain ng isang pagkain, ay dumidila sa tatlong daliri niya. Sinabi: At nagsabi siya: "Kapag bumagsak ang mumo ng isa sa inyo ay alisin niya rito ang dumi, kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo." Ipinag-utos niya na saidin ang [laman ng] plato. Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung nasa alin sa pagkain ninyo ang biyaya." Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang demonyo ay dumadalo sa isa sa inyo sa sandali ng bawat pangyayari sa gawain niya hanggang sa dumadalo ito sa sandali ng pagkain niya. Kaya kapag bumagsak ang mumo ng isa sa inyo ay pulutin niya ito, alisin niya rito ang anumang duming kumapit dito, pagkatapos ay kainin niya ito, at huwag niyang iwan ito sa demonyo. Kapag natapos siya ay dinidilaan niya ang mga daliri niya sapagkat tunay na hindi niya nalalaman kung nasa alin sa pagkain niya ang biyaya."
[Tumpak sa dalawang salaysay nito] - [Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya]

Ang pagpapaliwanag

Nasaad sa ḥadīth ang babala laban sa demonyo at ang pagtawag-pansin sa pagsabay nito sa tao sa mga ginagawa niya kaya nararapat na maghanda at mag-ingat laban dito at huwag siyang palilinlang sa ipinang-aakit nito sa kanya. Ang pagkaing dinadaluhan ng tao ay may biyaya. Hindi niya nalalaman kung ang biyayang iyon ay nasa kinain niya o nasa natira sa mga daliri niya o nasa natira sa kailaliman ng plato o nasa mumong nalaglag. Kaya nararapat na pag-ingatan niya ang lahat ng ito upang matamo ang biyaya. Ang orihinal ng kahulugan ng "biyaya" [sa Arabe] ay ang karagdagan, ang pananatili ng kabutihan, at ang pakikinabang. Ang tinutukoy rito ay ang nagdudulot ng nutrisyon, nagliligtas sa kahihinatnan nito sa kapinsalaan, at nagpapalakas para sa pagtalima kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Dito ay may kapakinabangang binanggit ng ilan sa mga manggagamot na sa sandali ng pagkain ang mga daliri ay naglalabas ng isang bagay na tumutulong sa pagtutunaw ng pagkain.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin