+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه : أن رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم قالَ: "لا يَتَمَنَّ أحَدُكَم الموتَ، إما مُحسِناً فلعلَّه يَزْدَادُ، وإما مُسِيئاً فلعلَّه يَسْتَعْتِبُ". وفي رواية قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : "لا يَتَمَنَّ أحَدُكُم الموتَ، ولا يَدْعُ به من قبلِ أنَ يَأتيَه؛ إنه إذا ماتَ انقطعَ عملُهُ، وإنه لا يَزيدُ المؤمنَ عُمُرُهُ إلا خيراً".
[صحيح] - [متفق عليه. الرواية الأولى لفظ البخاري مع زيادة في أوله. الرواية الثانية لفظ مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan. Kung gumagawa siya ng mabuti, harinawa siya ay magdagdag pa; at kung gumagawa siya ng masama, harinawa siya ay magsisi na." Ito ay pananalita ni Al-Bukhārīy. Sa isang sanaysay ni Muslim ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsabi: "Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan at huwag dumalangin nito bago dumating ito sa kanya. Tunay na siya, kapag namatay, ay napuputol ang gawa niya. Tunay na walang naidaragdag sa mananampalataya ang edad niya kundi kabutihan."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay "Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan." Ang pagsaway rito ay pagbabawal dahil ang pagmimithi ng kamatayan dito ay isang pahiwatig ng kawalan ng pagkalugod sa itinadhana ni Allah. Ang mananampalataya ay kinakailangang magtiis kapag dinapuan ng kasawian. Kapag nagtiis siya sa kasawain, magkakamit siya ng dalawang mahalagang bagay. Una: Ang pagtatakip sa mga kamalian sapagkat tunay na ang tao ay walang dumadapo sa kanya na kabalisaan, ni pighati, ni kapinsalaan, ni anuman na hindi ipambabayad-sala ni Allah iyon, pati na ang tinik na tumuturok sa kanya ay ipambabayad-sala Niya. Ikalawa: Kapag pinalad siyang makaasa sa gantimpala mula kay Allah at nagtiis habang naghahangad sa pamamagitan niyon ng ikalulugod ni Allah, tunay na siya ay gagantimpalaan. Ang pagmimithi niya ng kamatayan ay nagpapatunay sa kanyang pagiging hindi nagtitiis sa itinadhana ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ni nalulugod doon. Nilinaw ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na siya ay maaaring maging kabilang sa mga gumagawa ng maganda at nadadagdagan ng matuwid na gawa ang pananatili ng buhay niya sapagkat ang mananampalataya, kapag nanatiling buhay kahit pa man may kapinsalaan kahit pa man kasiraan, ay marahil madaragdagan ng mga magandang gawa. Siya ay maaari ring maging isang gumagawa ng masagwa na nakagawa ng isang masagwa kaya harinawa humingi siya kay Allah ng pagkalugod at paumanhin at mamatay na nakapagbalik-loob. Kaya huwag kang magmithi ng kamatayan dahil ang lahat ng mangyayari ay itinakda. Magtiis at umasa sa gantimpala ni Allah sapagkat ang pananatili sa masamang kalagayan ay imposible. May pahiwatig dito na ang kahulugan ng pagbabawal sa pagmimithi ng kamatayan at pagdalangin para roon ay ang pagkaputol ng gawain dahil sa kamatayan sapagkat tunay na ang buhay ay namumutawi mula rito ang gawain at ang gawain ay nagdudulot ng karagdagan sa gantimpala. Kung sakaling walang nangyari maliban sa pagpapatuloy ng Tawḥīd, ito ay pinakamainam sa mga gawain. Hindi maipapakahulugan dito na ipinahihintulot ang tumalikod - pakupkop kay Allah - sa pananampalataya dahil iyon ay madalang. Ang pananampalataya matapos nakihalubilo sa puso ang ngiti nito ay hindi ito maiinis ng isa man. Alinsunod sa pagpapalagay ng pangyayari niyon, at nangyayari nga ngunit madalang, nauna nang nalaman ni Allah para roon ang wakas na masagwa. Hindi maiiwasang mangyari iyon, humaba man ang buhay niya o umikli, kaya ang pagmamadali niyon sa pamamagitan ng paghiling ng kamatayan ay walang kabutihan doon para sa kanya. Sa hadith ay may pahiwatig sa pagtuturing na mapalad ang gumagawa ng maganda dahil sa paggawa niya ng maganda at may babala sa gumagawa ng masagwa dahil sa paggawa niya ng masagwa. Para bang Siya ay nagsasabi sa sinumang gumagawa ng maganda na itigil niya ang pagmimithi ng kamatayan at magpatuloy sa paggawa niya ng maganda at pagdagdag nito, at sa sinumang gumagawa ng masagwa na itigil ang pagmimithi ng kamatayan at kumalas sa paggawa ng masagwa upang hindi mamatay sa paggawa ng masagwa at malalagay siya sa panganib.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin