+ -

عن سهل بن سعد رضي الله عنه : أن رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم أُتِيَ بشرابٍ، فَشَرِبَ منهُ وعن يميِنِه غُلامٌ، وعن يسارِه الأشياخُ، فقالَ للغُلامِ: "أَتَأذَنُ لِي أنْ أُعْطِيَ هؤلاء؟"، فقالَ الغلامُ: لا واللهِ يا رسولَ اللهِ، لا أُوثِرُ بنَصِيبي منك أحداً. فَتَلَّهُ رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم في يدِه.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan ng inumin. Uminom siya mula rito samantalang sa gawing kanan niya ay may batang lalaki at sa gawing kaliwa niya ang mga matanda. Nagsabi siya sa batang lalaki: "Magpapahintulot ka ba sa akin na ibigay ko [ito] sa mga [matandang] ito?" Nagsabi ang batang lalaki: "Hindi; sumpa man kay Allah, o Sugo ni Allah, hindi ako magtatangi sa isa man sa [pagbibigay ng] bahagi ko mula sa iyo." Kaya inilagay ito ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kamay niya.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nasaad sa ḥadīth na nagpaalam ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa batang lalaki sa pagbibigay ng inumin sa mga matanda bago siya. Ginawa niya lamang iyon bilang pagbubuklod sa mga puso ng mga matanda, pagpapahayag ng pagmamahal sa kanila, at pagtatangi sa karangalan nila, kapag hindi naman nahahadlangan ang isang sunnah dahil dito. Nilalaman niyon ang paglilinaw sa sunnah na ito: ang kanang bahagi ay higit na karapat-dapat at hindi ibibigay ang ukol dito sa iba malibang may pahintulot nito. Wala ring masama sa paghingi ng pahintulot kaugnay rito at hindi rin inoobliga ang magpahintulot. Nararapat din sa kanya na hindi magpahintulot kung may pagkakaroon ng pagkakait ng kabutihang pangkabilang-buhay at kapakanang pagrelihiyon. Ang batang ito ay ang anak ni`Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin