عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«أَتَدْرُونَ مَا الْغِيبَةُ؟»، قَالُوا: اللهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ، قَالَ: «ذِكْرُكَ أَخَاكَ بِمَا يَكْرَهُ»، قِيلَ: أَفَرَأَيْتَ إِنْ كَانَ فِي أَخِي مَا أَقُولُ؟ قَالَ: «إِنْ كَانَ فِيهِ مَا تَقُولُ فَقَدِ اغْتَبْتَهُ، وَإِنْ لَمْ يَكُنْ فِيهِ فَقَدْ بَهَتَّهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2589]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya." Sinabi: "Kaya ano po sa tingin mo kung nasa kapatid ko ang sinasabi ko?" Nagsabi siya: "Kung naging nasa kanya ang sinasabi mo, nanlibak ka nga sa kanya; at kung hindi ito naging nasa kanya, nanirang-puri ka nga sa kanya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2589]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa reyalidad ng panlilibak na ipinagbabawal. Ito ay ang pagbanggit sa Muslim na nakaliban hinggil sa kasusuklaman niya, maging ito man ay kabilang sa mga katangian niyang pisikal o etikal, tulad ng siya raw ay kirat, mapandaya, palasinungaling, at tulad niyon kabilang sa mga katangian ng pagpula, kahit pa man ang katangiang iyon ay nariyan sa kanya.
Tungkol naman sa kapag hindi naging nasa kanya ang nasabing katangian, ito ay higit na matindi kaysa sa panlilibak. Ito ay ang paninirang-puri. Ibig sabihin: ang paggawa-gawa laban sa tao ng wala naman sa kanya.