عَنِ ابْنِ مَسْعُودٍ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«سَتَكُونُ أَثَرَةٌ وَأُمُورٌ تُنْكِرُونَهَا» قَالُوا: يَا رَسُولَ اللَّهِ فَمَا تَأْمُرُنَا؟ قَالَ: «تُؤَدُّونَ الحَقَّ الَّذِي عَلَيْكُمْ، وَتَسْأَلُونَ اللَّهَ الَّذِي لَكُمْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3603]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"May mangyayaring pagkamakasarili at mga bagay-bagay na mamasamain ninyo." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Nagsabi siya: "Gagampanan ninyo ang tungkulin na kailangan sa inyo at hihilingin ninyo kay Allāh ang para sa inyo."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3603]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may mamahala sa mga Muslim na mga tagapamahalang magsosolo sa mga yaman ng mga Muslim at iba pa sa mga ito na mga bagay-bagay sa Mundo, na gagasta ng mga ito kung paanong loloobin nila at ipagkakait nila sa mga Muslim ang mga karapatan ng mga ito. May mangyayari mula sa kanila sa Relihiyong Islām na mga bagay-bagay na mamasamain. Kaya nagtanong ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) kung ano ang gagawin nila sa kalagayang iyon. Nagpabatid naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na huwag pumigil sa inyo ang pagsasarili nila sa yaman, na magpigil kayo ng kinakailangan sa inyo tungo sa kanila na pagdinig at pagtalima; bagkus magtiis kayo, makinig kayo, tumalima kayo, huwag kayong mangagaw sa kanila ng kapamahalaan, at humiling kayo mula kay Allāh ng karapatang para sa inyo; at na magsaayos Siya sa kanila at magtulak Siya sa kasamaan nila at kawalang-katarungan nila.