عن عبد الله بن عتبة بن مسعود، قال: سمعت عمر بن الخطاب رضي الله عنه يقول: إن ناسا كانوا يُؤْخَذُونَ بالوحي في عهد رسول الله صلى الله عليه وسلم وإن الوحي قد انقطع، وإنما نأخذكم الآن بما ظهر لنا من أعمالكم، فمن أظهر لنا خيرًا أَمَّنَّاهُ وقَرَّبْنَاهُ، وليس لنا من سريرته شيء، الله يحاسبه في سريرته، ومن أظهر لنا سوءًا لم نأمنه ولم نصدقه وإن قال: إن سريرته حسنة.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Utbah bin Mas`ūd na nagsabi: Narinig ko si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya, na nagsasabi: "Tunay na may mga tao noon na nabubuko dahil sa pagsisiwalat [ni Allāh] sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Tunay na ang pagsisiwalat [ni Allāh] ay naputol na. Ibinubuko lamang namin kayo sa ngayon dahil sa nalantad sa amin na mga gawain ninyo. Kaya ang sinumang naglantad sa amin ng kabutihan, patitiwasayin namin siya at ilalapit namin siya. Wala kaming pakialam sa kinikimkim niya. Si Allāh ay magtutuos sa kanya sa kinikimkim niya. Ang sinumang naglantad sa amin ng kasagwaan, hindi namin siya patitiwasayin at hindi namin siya paniniwalaan kahit pa nagsabi siyang tunay na ang kinikimkim niya ay maganda."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Nagsasalita si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya, tungkol sa sinumang naglihim ng isang masamang kinikimkim sa panahon ng pagsisiwalat [ni Allāh]. Hindi naitatago ang lihim niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa ibinababang pagsisiwalat dahil may mga tao sa panahon ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mga nagpapanggap na sumampalataya, na naglalantad ng kabutihan at naglilingid ng kasamaan subalit si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagbubunyag sa kanila sa pamamagitan ng ibinababang pagsisiwalat sa Sugo Niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan; subalit noong naputol ang pagsisiwalat, ang mga tao ay naging hindi nakaaalam sa nagpapanggap na sumampalataya dahil ang pagpapanggap na sumampalataya ay nasa puso. Nagsasabi si `Umar, malugod si Allāh sa kanya: "Ibinubuko lamang namin kayo sa ngayon dahil sa nalantad sa amin. Kaya ang sinumang naglantad sa amin ng kabutihan, pakikitunguhan namin siya ayon sa kabutihan niyang ipinakita sa amin kahit pa man naglilihim siya ng isang masagwang kinikimkim; ang sinumang nagpakita ng isang kasamaan, pakikitunguhan namin siya ayon sa kasamaan niyang ipinakita niya sa amin. Wala kaming pananagutan sa layunin niya. Ang layunin ay ipinauubaya sa Panginoon ng mga nilalang, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nakaaalam sa isinusulsol ng kaluluwa ng tao."