+ -

عَنْ أَبِي مُوسَى رَضيَ اللهُ عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَثَلُ مَا بَعَثَنِي اللَّهُ بِهِ مِنَ الهُدَى وَالعِلْمِ كَمَثَلِ الغَيْثِ الكَثِيرِ أَصَابَ أَرْضًا، فَكَانَ مِنْهَا نَقِيَّةٌ، قَبِلَتِ المَاءَ، فَأَنْبَتَتِ الكَلَأَ وَالعُشْبَ الكَثِيرَ، وَكَانَتْ مِنْهَا أَجَادِبُ، أَمْسَكَتِ المَاءَ، فَنَفَعَ اللَّهُ بِهَا النَّاسَ، فَشَرِبُوا وَسَقَوْا وَزَرَعُوا، وَأَصَابَتْ مِنْهَا طَائِفَةً أُخْرَى، إِنَّمَا هِيَ قِيعَانٌ لاَ تُمْسِكُ مَاءً وَلاَ تُنْبِتُ كَلَأً، فَذَلِكَ مَثَلُ مَنْ فَقُهَ فِي دِينِ اللَّهِ وَنَفَعَهُ مَا بَعَثَنِي اللَّهُ بِهِ، فَعَلِمَ وَعَلَّمَ، وَمَثَلُ مَنْ لَمْ يَرْفَعْ بِذَلِكَ رَأْسًا، وَلَمْ يَقْبَلْ هُدَى اللَّهِ الَّذِي أُرْسِلْتُ بِهِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 79]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang paghahalintulad sa ipinadala sa akin ni Allāh na patnubay at kaalaman ay gaya ng paghahalintulad sa maraming ulan, na tumama sa isang lupain. Mula rito ay may isang bahaging dalisay na tumanggap ng tubig saka nagpatubo ito ng maraming pangkumpay at damo. Mula rito ay may mga matigas [na bahagi] na pumigil sa tubig kaya nagpakinabang si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga tao sapagkat uminom sila, nagpatubig sila, at nagsaka sila. Tumama iyon mula rito sa ibang bahagi. Ang mga ito lamang ay mga kapatagang hindi pumipigil sa tubig at hindi nagpapatubo ng pangkumpay. Iyon ay ang paghahalintulad sa sinumang umunawa sa Relihiyon ni Allāh at nagpakinabang sa kanya ang ipinadala sa akin ni Allāh kaya nakaalam siya at nagturo siya at ang paghahalintulad naman sa sinumang hindi nag-angat dahil doon ng ulo at hindi tumanggap sa patnubay ni Allāh na ipinasugo ako dahil doon."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 79]

Ang pagpapaliwanag

Humahangang nagwangis ang Propeta (s) sa nakikinabang sa inihatid sa kanya na katunayan at daang nagpapaabot sa hinihiling at kaalamang pangkapahayagan sa lupang bumababa rito ang maraming ulan. Ang paghahalintulad na ito ay tatlong uri: A. Isang lupaing kaaya-aya na tumatanggap ng tubig ng mga ulan kaya nagpapatubo ng maraming halaman bilang sariwa at bilang tuyot saka nakinabang ang mga tao sa mga ito. B. Isang lupaing tagapigil ng tubig subalit ito ay hindi nagpapatubo ng pananamin kaya ito ay nag-iingat ng tubig upang makinabang dito ang mga tao sapagkat umiinom sila at nagpapatubig sila ng mga hayupan nila at mga pananim nila. C. Isang lupaing patag na madulas na hindi pumipigil sa tubig at hindi nagpapatubo ng pananim kaya hindi ito nakikinabangan sa tubig na iyon sa sarili nito at hindi nakikinabang ang mga tao mula rito. Kaya ganito ang mga nakarinig noong ipinadala dahil dito ang Propeta (s) na may kaalaman at patnubay. Ang una ay ang nakaaalam na nagpakaunawa sa Relihiyon ni Allah, na tagagawa ayon sa kaalaman niya, na tagapagturo sa iba sa kanya, kaya siya ay nasa antas ng lupaing kaaya-aya, na uminom kaya nakinabang sa saril nito at nagpatubo kaya nagpakinabang sa iba pa. Ang ikalawa ay ang nakasasaulo ng kaalaman subalit wala siyang pagkaintindi at paghihinuha sapagkat siya ay tagatipon ng kaalaman, na nagpakaabala ng panahon niya roon, gayon pa man hindi siya nagsagawa ng mga kinukusang-loob dito o hindi siya nakaunawa sa tinipon niya kaya siya ay isang kasangkapan ng iba sa kanya. Siya ay nasa nasa antas ng lupaing pinagtitigilan ng tubig para makinabang ang mga tao rito. Ang ikatlo ay ang sinumang nakaririnig ng kaalaman ngunit hindi nakapagsasaulo nito, hindi nagsasagawa nito, at hindi nagpaparating nito sa iba pa sa kanya kaya siya ay nasa antas ng lupaing maasin o madulas na walang halaman dito at hindi tumatanggap ng tubig o nakasisira nito sa iba pa.

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa kainaman ng paghahanap ng kaalaman at pagtuturo nito ang pagbibigay-babala laban sa pag-ayaw sa dalawang ito.
  2. Ang paglalahad ng mga paghahalintulad para sa pagpapalapit ng mga kahulugn sa mga tao.
  3. Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Kung paano na ang ulan ay nagbibigay-buhay sa pataya nabayan, ganito ring ang mga kaalaman ng Relihiyon nagbibigay-buhay sa patay na puso. Pagkatapos nagwangis sa tagapakinig nito sa nagkakaiba-ibang lupain na binababaan ng ulan.
  4. Ang mga tao sa pagkuha ay ng kaalamang pangkapahayagan ay ilang antas.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin