عَنْ أَبِي حَازِمٍ قَالَ: قَاعَدْتُ أَبَا هُرَيْرَةَ رضي الله عنه خَمْسَ سِنِينَ، فَسَمِعْتُهُ يُحَدِّثُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ:
«كَانَتْ بَنُو إِسْرَائِيلَ تَسُوسُهُمُ الأَنْبِيَاءُ، كُلَّمَا هَلَكَ نَبِيٌّ خَلَفَهُ نَبِيٌّ، وَإِنَّهُ لاَ نَبِيَّ بَعْدِي، وَسَيَكُونُ خُلَفَاءُ فَيَكْثُرُونَ» قَالُوا: فَمَا تَأْمُرُنَا؟ قَالَ: «فُوا بِبَيْعَةِ الأَوَّلِ فَالأَوَّلِ، أَعْطُوهُمْ حَقَّهُمْ، فَإِنَّ اللَّهَ سَائِلُهُمْ عَمَّا اسْتَرْعَاهُمْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3455]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Ḥāzim na nagsabi: {Nakipisan ako kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) nang limang taon kaya nakarinig ako sa kanya na nagsasanaysay tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagsabi:
"Ang mga anak ni Israel noon ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Sa tuwing yumayao ang isang propeta, humahalili rito ang isang propeta. Tunay na walang propeta matapos ko. Magkakaroon ng mga khalīfah saka darami sila." Nagsabi sila: "Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Nagsabi siya: "Tumupad kayo sa pangako ng katapatan sa una sa kasunod at magbigay kayo sa kanila ng karapatan nila sapagkat tunay na si Allāh ay magtatanong sa kanila tungkol sa ipinaalaga Niya sa kanila."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3455]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anak ni Israel ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Namamahala ang mga ito sa mga nauukol sa kanila gaya ng ginagawa ng mga pinuno at mga tagapamahala sa pinangangasiwaan. Sa tuwing may lumilitaw sa kanila na isang katiwalian, nagpapadala si Allāh sa kanila ng isang propeta para sa kanila, na nagtutuwid ng lagay nila at nag-aalis ng iniba nila mula sa mga patakaran. Tunay na walang propeta matapos niya para gumawa ng ginagawa ng mga iyon noon. Magkakaroon matapos niya ng mga khalīfah saka darami sila at magaganap sa pagitan nila ang hidwaan at salungatan. Kaya nagtanong ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin?" Kaya nagsabi siya: "Kaya kapag pinangakuan ang ikalawa ng katapatan bilang khalīfah matapos ng isang khalīfah, ang pangako ng katapatan sa una ay tumpak, na kinakailangan ang pagtupad dito, samantalang ang pangako ng katapatan sa ikalawa ay walang-saysay at ipinagbabawal dito ang paghiling nito. Magbigay kayo sa kanila ng karapatan nila, tumalima kayo sa kanila, at makisama kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagdinig at pagtalima sa hindi pagsuway sapagkat tunay na si Allāh ay magtatanong sa kanila at magtutuos sa kanila sa gagawin nila sa inyo."