+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «ما نهيتكم عنه فاجتنبوه، وما أمرتكم به فأْتُوا منه ما استطعتم، فإنما أَهلَكَ الذين من قبلكم كثرةُ مسائلهم واختلافهم على أنبيائهم».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ginabayan tayo ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kapag nagbawal siya sa atin ng isang bagay ay kailangan sa atin ang pag-iwas niyon nang walang pasubali at kapag nag-utos siya sa atin ng isang bagay ay tungkulin nating gawin mula rito ang makakaya natin. Pagkatapos ay nagbabala siya atin upang hindi tayo maging gaya ng ilan sa mga kalipunang nauna noong dinalasan nila ang mga pagtatanong sa mga propeta nila kalakip ng pagsalungat nila sa mga iyon kaya naman pinarusahan sila ni Allah sa pamamagitan ng sari-saring kapahamakan at pagkawasak. Kaya nararapat na hindi tayo maging tulad nila upang hindi tayo mapahamak gaya ng pagkapahamak nila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano
Paglalahad ng mga salin