+ -

عَنْ المِقْدَامِ بْنِ مَعْدِي كَرِبَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«مَا مَلأَ آدَمِيٌّ وِعَاءً شَرًّا مِنْ بَطْنٍ، بِحَسْبِ ابْنِ آدَمَ أَكَلاَتٌ يُقِمْنَ صُلْبَهُ، فَإِنْ كَانَ لَا مَحَالَةَ، فَثُلُثٌ لِطَعَامِهِ، وَثُلُثٌ لِشَرَابِهِ، وَثُلُثٌ لِنَفَسِهِ».

[صحيح] - [رواه الإمام أحمد والترمذي والنسائي وابن ماجه] - [الأربعون النووية: 47]
المزيــد ...

Ayon kay Al-Miqdād bin Ma`dī Karib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Hindi pumuno ang isang tao ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa isang tiyan. Kasapatan sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya; saka kung naging hindi posible, isang sangkatlo ay para sa pagkain niya, isang sangkatlo ay para sa inumin niya, at isang sangkatlo ay para sa paghinga niya."}

[Tumpak] -

Ang pagpapaliwanag

Gumagabay sa atin ang Marangal na Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa isang batayan kabilang sa mga batayan ng medisina. Ito ay ang pag-iingat na nakapag-iingat sa pamamagitan nito ang tao ng kalusugan niya. Ito ay ang pagpapakaunti sa pagkain; bagkus kakain siya ayon sa sukat ng nakapagpapanatili sa buhay niya at nakapagpapalakas sa kanya para sa mga gawain niyang kinakailangan. Tunay na ang pinakamasamang lalagyang pinuno ay ang tiyan dahil sa inireresulta, dulot ng pagkabusog, na mga sakit na nakamamatay na hindi nabibilang nang madalian o nang matagalan, nang pakubli o nang hayagan. Pagkatapos, tunay na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag ang tao ay hindi makaiiwas sa pagkabusog, gawin niya na ang pagkain ay may sukat na isang sangkatlo [ng tiyan], ang isa pang sangkatlo ay para sa inumin, at ang [natitirang] sangkatlo ay para sa paghinga nang sa gayon walang mangyari sa kanya na paninikip, pinsala, at katamaran sa pagsasagawa ng inobliga ni Allāh sa kanya sa nauukol sa buhay panrelihiyon niya o buhay pangmundo niya."

من فوائد الحديث

  1. Ang hindi pagpapakasagana sa pagkain at pag-inom. Ito ay isang saligang tagasaklaw sa mga saligan ng medisina sa kabuuan ng mga ito, dahil sa pagkalabis ng pagkabusog ay may mga sakit at mga karamdaman.
  2. Ang layon sa pagkain ay ang pangangalaga sa kalusugan at lakas. Sa pamamagitan ng dalawang ito ang kaligtasan ng buhay.
  3. Ang pagpuno ng tiyan ng pagkain ay may mga kapinsalaang pangkatawan at panrelihiyon. Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaingat kayo sa pagkabundat sapagkat tunay na ito ay kasiraan sa katawan at katamaran sa pagdarasal."
  4. Ang pagkain sa punto ng kahatulan ay nasa ilang bahagi: 1. kinakailangan, ang anumang sa pamamagitan nito napangangalagaan ang buhay at humahantong ang pagwaksi nito sa kapinsalaan; 2. pinapayagan, ang anumang dumagdag sa sukat na kinakailangan at hindi kinatatakutan ang kapinsalaan nito; 3. kinasusuklaman, ang anumang kinatatakutan ang kapinsalaan nito; 4. ipinagbabawal, ang anumang nalalaman ang kapinsalaan nito; at 5. isinakaibig-ibig, ang anumang ipinantutulong sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Binuod iyon sa ḥadīth sa tatlong antas. Ang una sa mga ito ay pagpuno ng tiyan. Ang ikalawa sa mga ito ay mga pagkain o mga subong nagpapanatili ng buhay. Ang ikatlo sa mga ito ay ang sabi ng Propeta: "isang sangkatlo para sa pagkain niya, isang sangkatlo para sa inumin niya, at isang sangkatlo para sa paghinga niya." Ito sa kabuuan nito ay kapag ang uri ng kinakain ay pinahihintulutan.
  5. Ang ḥadīth ay isang panuntunan kabilang sa mga panuntunan ng medisina. Yayamang tunay na ang kaalaman sa medisina ay nakasalalay sa tatlong saligan: pangangalaga sa lakas, diyeta, at pagpapaluwa ng nakapipinsala, nakasaklaw nga ang ḥadīth sa dalawang una sa mga ito, gaya ng nasaad sa sabi ni Allāh (Qur'ān 7:31): {O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid. Kumain kayo at uminom kayo at huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis.}
  6. Ang kakumpletuhan ng Palabatasang Islāmiko yayamang nakasaklaw ito sa mga kapakanan ng tao sa panrelihiyong buhay niya at pangmundong buhay niya.
  7. Kabilang sa mga kaalaman sa Palabatasang Islāmiko ang mga saligan ng medisina at mga uri nito, gaya ng nasaad hinggil sa pulut-pukyutan at Butong Itim.
  8. Ang pagkasaklaw ng mga patakaran ng Palabatasang Islāmiko sa karunungan at na ito ay nakabatay sa pagpigil ng mga kasiraan at pagtamo ng mga kapakanan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Pushto Asami Albaniyano الأمهرية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga المجرية التشيكية الموري Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin