عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ أَنْ تُؤْتَى رُخَصُهُ، كَمَا يُحِبُّ أَنْ تُؤْتَى عَزَائِمُهُ».
[صحيح] - [رواه ابن حبان] - [صحيح ابن حبان: 354]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya gaya ng pagkaibig Niya na isagawa ang mga paghihigpit Niya."}
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Habba`n] - [صحيح ابن حبان - 354]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay umiibig na isagawa ang mga pagluluwag Niya na isinabatas Niya kabilang sa mga pagpapagaan sa mga patakaran at mga pagsamba at pagpapadali sa mga ito sa naatangan ng tungkulin, dahil sa isang maidadahilan gaya ng pagpapaiksi ng ṣalāh at pagsasama ng mga ito sa sandali ng paglalakbay. Siya ay umiibig din na isagawa ang mga paghihigpit Niya kabilang sa mga bagay na kinakailangan dahil ang pag-uutos ni Allāh kaugnay sa mga pagluluwag at mga paghihigpit ay iisa.