عَنْ سُفْيان بنِ عَبْدِ اللهِ الثَّقَفِيّ رضي الله عنه قال:
قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللهِ، قُلْ لِي فِي الْإِسْلَامِ قَوْلًا لَا أَسْأَلُ عَنْهُ أَحَدًا غَيْرَكَ، قَالَ: «قُلْ: آمَنْتُ بِاللهِ، ثُمَّ اسْتَقِمْ».
[صحيح] - [رواه مسلم وأحمد] - [مسند أحمد: 15416]
المزيــد ...
Ayon kay Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh,
magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}
[Tumpak] - - [مسند أحمد - 15416]
Humiling ang Kasamahang si Sufyān bin `Abdillāh Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo ito sa kanya ng isang masasabing tagatipon ng mga kahulugan ng Islām, na panghahawakan niya at hindi niya maitatanong sa iba pa sa kanya. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Sabihin mo: Naniniwala ako sa kaisahan ni Allāh at sumampalataya ako na Siya ay ang Panginoon ko, ang Diyos ko, ang Tagalikha ko, at ang totoong sinasamba ko – walang katambal sa Kanya. Pagkatapos magpapaakay siya sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagganap sa mga tungkulin kay Allāh at pagwaksi sa mga ipinagbabawal ni Allāh at magpapatuloy siya sa mga ito.