عَنِ ابْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ:
«مَثَلُ الْمُنَافِقِ، كَمَثَلِ الشَّاةِ الْعَائِرَةِ بَيْنَ الْغَنَمَيْنِ تَعِيرُ إِلَى هَذِهِ مَرَّةً وَإِلَى هَذِهِ مَرَّةً».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2784]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2784]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kalagayan ng mapagpaimbabaw, na siya ay gaya ng tupang nag-aatubiling hindi nakaaalam, na sumusunod sa alinman sa dalawang kawan ng tupa. Pumupunta siya sa kawang ito minsan at sa ibang kawan minsan naman. Kaya sila ay mga nalilito sa pagitan ng pananampalataya at kawalang-pananampalataya. Kaya naman sila ay hindi kasama ng mga mananampalataya sa panlabas at sa panloob ni sila ay kasama ng mga tagatangging sumampalataya sa panlabas at sa panloob; bagkus ang mga panlabas nila ay kasama ng mga mananampalataya at ang mga panloob nila ay nasa isang pagdududa at isang pag-aatubili sapagkat minsan kumikiling sa mga ito at minsan kumikiling sa mga iyan.