عن بعض أزواج النبي صلى الله عليه وسلم عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ أَتَى عَرَّافًا فَسَأَلَهُ عَنْ شَيْءٍ لَمْ تُقْبَلْ لَهُ صَلَاةٌ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2230]
المزيــد ...
Ayon sa ilan sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggap sa kanya nang apatnapung araw ng isang pagdarasal."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2230]
Nagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpunta sa manghuhula, na isang pangkalahatang tawag sa manghuhula, astrologer, geomancer, at tulad nila na kabilang sa sinumang nagpapatunay sa pagkakaalam ng nakalingid sa pamamagitan ng mga panimulang ginagamit niya. Ang payak na pagtatanong ng isang tao sa manghuhula tungkol sa isang bagay kabilang sa mga nauukol sa nakalingid ay magkakait si Allāh dahil dito ng gantimpala ng ṣalāh niya nang apatnapung araw. Iyon ay bilang kaparusahan sa kanya dahil sa kasalanan at malaking pagkakasalang ito.