عن ابن عباس رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«من اقتبَسَ علْمًا مِنَ النُّجُومِ اقْتبَسَ شُعبَة مِن السِّحرِ، زادَ ما زادَ».
[صحيح] - [رواه أبو داود وابن ماجه وأحمد] - [سنن أبي داود: 3905]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang sumipi ng isang kaalaman mula sa astrolohiya ay sumipi ng isang sangay mula sa panggagaway, na nadaragdagan ito hanggat nadaragdagan iyon."}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 3905]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpakatuto at kumuha mula sa kaalaman sa mga bituin at mga konstelasyon at paggamit ng mga pagkilos ng mga ito, pagpasok ng mga ito, at paglabas ng mga ito bilang patunay sa mga pangyayaring pandaigdig gaya ng pagkamatay ni Polano o buhay nito o pagkakasakit nito at tulad niyon kabilang sa magaganap sa hinaharap, nagpakatuto nga siya ng isang bahagi ng panggagaway. Sa tuwing nagparami ang tao ng kaalamang ito, nagparami nga siya ng panggagaway.