عن جابر رضي الله عنه:
أَنَّ رَجُلًا سَأَلَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: أَرَأَيْتَ إِذَا صَلَّيْتُ الصَّلَوَاتِ الْمَكْتُوبَاتِ، وَصُمْتُ رَمَضَانَ، وَأَحْلَلْتُ الْحَلَالَ، وَحَرَّمْتُ الْحَرَامَ، وَلَمْ أَزِدْ عَلَى ذَلِكَ شَيْئًا، أَأَدْخُلُ الْجَنَّةَ؟ قَالَ: «نَعَمْ»، قَالَ: وَاللهِ لَا أَزِيدُ عَلَى ذَلِكَ شَيْئًا.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 15]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya):
{Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga ṣalāh na isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagpahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal, at hindi ako nagdagdag doon ng anuman – na papasok ba ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako magdaragdag doon ng anuman."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 15]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagdasal ng limang ṣalāh na isinatungkulin at hindi nagdagdag sa mga ito ng anuman mula sa mga pangkusang-loob na ṣalāh, nag-ayuno sa Ramaḍān at hindi nagkusang-loob [ng ibang ayuno], naniwala sa pagkapahintulot ng ipinahihintulot at ginawa ito, at naniwala sa pagkabawal ng bawal at umiwas rito, papasok siya sa Paraiso.