عَنِ ابْنِ مَسْعُودٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ:
قَالَ رَجُلٌ: يَا رَسُولَ اللهِ، أَنُؤَاخَذُ بِمَا عَمِلْنَا فِي الْجَاهِلِيَّةِ؟ قَالَ: «مَنْ أَحْسَنَ فِي الْإِسْلَامِ لَمْ يُؤَاخَذْ بِمَا عَمِلَ فِي الْجَاهِلِيَّةِ، وَمَنْ أَسَاءَ فِي الْإِسْلَامِ أُخِذَ بِالْأَوَّلِ وَالْآخِرِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6921]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May nagsabing isang lalaki: "O, Sugo ni Allāh, pananagutin ba kami sa anumang ginawa namin sa Panahon ng Kamangmangan?" Nagsabi siya: "Ang sinumang gumawa ng maganda sa [panahon ng] Islām ay hindi pananagutin sa anumang ginawa niya sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumawa ng masagwa sa [panahon ng Islām] ay pananagutin sa una at huli."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6921]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kainaman ng pagpasok sa Islām; at na ang sinumang umanib sa Islām, gumanda ang pagkaanib niya sa Islām, at naging isang nagpapakawagas na tapat, hindi siya tutuusin sa ginawa niya na mga pagsuway sa Panahon ng Kamangmangan; at ang sinumang nagpasagwa sa pagkaanib sa Islām dahil siya ay naging isang mapagpaimbabaw o tumalikod sa Islām, tutuusin siya sa ginawa niya sa panahon ng kawalang-pananampalataya at sa ginawa niya sa panahon ng pagkaanib sa Islām.