عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ:
قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لِمُعَاذِ بْنِ جَبَلٍ، حِينَ بَعَثَهُ إِلَى الْيَمَنِ: «إِنَّكَ سَتَأْتِي قَوْمًا أَهْلَ كِتَابٍ، فَإِذَا جِئْتَهُمْ فَادْعُهُمْ إِلَى أَنْ يَشْهَدُوا أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لَكَ بِذَلِكَ، فَأَخْبِرْهُمْ أَنَّ اللهَ قَدْ فَرَضَ عَلَيْهِمْ خَمْسَ صَلَوَاتٍ فِي كُلِّ يَوْمٍ وَلَيْلَةٍ، فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لَكَ بِذَلِكَ، فَأَخْبِرْهُمْ أَنَّ اللهَ قَدْ فَرَضَ عَلَيْهِمْ صَدَقَةً تُؤْخَذُ مِنْ أَغْنِيَائِهِمْ فَتُرَدُّ عَلَى فُقَرَائِهِمْ، فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لَكَ بِذَلِكَ، فَإِيَّاكَ وَكَرَائِمَ أَمْوَالِهِمْ، وَاتَّقِ دَعْوَةَ الْمَظْلُومِ، فَإِنَّهُ لَيْسَ بَيْنَهُ وَبَيْنَ اللهِ حِجَابٌ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1496]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang ) na nagsabi:
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal nang nagpadala siya rito sa Yemen: "Tunay na ikaw ay pupunta sa mga taong may kasulatan. Kaya kapag dumating ka sa kanila, mag-anyaya ka sa kanila na sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanila ng limang pagdarasal sa bawat araw at gabi. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanila ng isang kawanggawang kinukuha mula sa mga mayaman nila saka ibinabalik sa mga maralita nila. Kaya kung sila ay tumalima sa iyo roon, kaingat ka sa mamahalin sa mga ari-arian nila at mangilag ka sa panalangin ng inaapi sapagkat tunay na walang tabing sa pagitan nito at ni Allāh."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1496]
Noong nagsugo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) sa bayan ng Yemen bilang tagapag-anyaya tungo kay Allāh at bilang tagapagturo, naglinaw siya rito na ito ay makikipagharap sa mga taong kabilang sa mga Kristiyano upang siya ay maging nasa isang paghahanda para sa kanila, pagkatapos upang magsimula siya sa pag-aanyaya sa kanila sa pinakamahalaga saka sa pinakamahalaga. Mag-aanyaya siya sa kanila tungo sa pagsasaayos ng paniniwala, una sa lahat, sa pamamagitan ng pagsaksi nila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh dahil sila sa pamamagitan nito ay papasok sa Islām. Kaya kapag nagpaakay sila roon, mag-uutos siya sa kanila ng pagpapanatili ng pagdarasal dahil ito ay pinakadakila sa mga tungkulin matapos ng Tawḥīd. Kaya kapag nagpanatili sila ng pagdarasal, mag-uutos siya sa mga mayaman nila ng pagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa mga maralita nila. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanya laban sa pagkuha ng pinakamainam sa yaman dahil ang tungkulin ay ang katamtaman. Pagkatapos nagtagubilin ito sa kanya ng pag-iwas sa pang-aapi upang hindi dumalangin laban sa kanya ang inaapi sapagkat tunay na ang panalangin nito ay tinutugon.