عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«الْإِيمَانُ بِضْعٌ وَسَبْعُونَ -أَوْ بِضْعٌ وَسِتُّونَ- شُعْبَةً، فَأَفْضَلُهَا قَوْلُ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَأَدْنَاهَا إِمَاطَةُ الْأَذَى عَنِ الطَّرِيقِ، وَالْحَيَاءُ شُعْبَةٌ مِنَ الْإِيمَانِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 35]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pananampalataya ay higit sa pitumpung – o higit sa animnapung – sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng perhuwisyo palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng pananampalataya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 35]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananampalataya ay maraming sangay at kakanyahan, na sumasaklaw sa mga ginagawa, mga pinaniniwalaan, at mga sinasabi;
na ang pinakamataas sa mga kakanyahan ng pananampalataya at ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh, habang nakaaalam sa kahulugan nito, habang gumagawa sa hinihiling nito, na si Allāh ay ang Diyos na Nag-iisa, na Kaisa-isa, na karapat-dapat sa pagsamba, tanging Siya: bukod sa iba pa sa Kanya;
at na ang pinakakaunti sa mga gawain ng pananampalataya ay ang pag-aalis ng anumang nakapeperhuwisyo sa mga tao sa mga daanan nila.
Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkahiya ay kabilang sa mga kakanyahan ng pananampalataya. Ito ay isang kaasalang pumupukaw sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.