+ -

عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا كان يومُ القيامة دفع اللهُ إلى كل مسلم يهوديا أو نصرانيا، فيقول: هذا فِكَاكُكَ من النار». وفي رواية: «يجيء يومَ القيامة ناسٌ من المسلمين بذنوبٍ أمثالِ الجبال يغفرها الله لهم».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nangyari ang Araw ng Pagkabuhay, magtutulak si Allāh sa bawat Muslim ng isang Hudyo o isang Kristiyano at magsasabi Siya: Ito ay ang pangkalas mo mula sa Impiyerno." Sa isang sanaysay: "May pupunta sa Araw ng Pagkabuhay na mga taong kabilang sa mga Muslim na may mga pagkakasalang mga tulad ng mga bundok, na magpapatawad si Allāh sa kanila."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan nito ay ang nasaad sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Bawat isa ay may tahanan sa Paraiso at tahanan sa Impiyerno. Ang Mananampalataya, kapag pumasok sa Paraiso, ay hahalilihan ng Kāfir sa Impiyerno dahil ito ay karapat-dapat dito dahil sa kawalang pananampalataya nito." Ang kahulugan ng "pangkalas mo" ay na ikaw dati ay nalalantad sa pagpasok sa Impiyerno at ito ang pangkalas mo dahil si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagtakda para sa Impiyerno ng isang bilang na pupuno rito. Kaya kapag pumasok ang mga Kāfir dahil sa mga pagkakasala nila at kawalang pananampalataya nila, sila ay naging ayon sa kahulugan ng pangkalas para sa mga Muslim. Si Allāh ay higit na nakaaalam.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa
Paglalahad ng mga salin