+ -

عن أنس بن مالك وأبي هريرة رضي الله عنهما عن النبي صلى الله عليه وسلم فيما يرويه عن ربه عز وجل قال: «إذا تَقَرَّبَ العبدُ إليَّ شِبْرًا تَقَرَّبْتُ إليه ذِرَاعًا، وإذا تَقَرَّبَ إليَّ ذِرَاعًا تَقَرَّبْتُ مِنْهُ بَاعًا، وإذا أتاني يمشي أَتَيْتُهُ هَرْوَلَةً».
[صحيح] - [حديث أنس -رضي الله عنه- رواه البخاري . حديث أبي هريرة -رضي الله عنه- متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kina Anas bin Mālik at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hinggil sa isinaysay niya ayon sa Panginoon niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagsabi: "Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang sinumang nagpakalapit kay Allāh sa pamamagitan ng anumang kabilang sa mga pagtalima, kahit kakaunti, tatapatan ito ni Allāh ng ilang ulit na paggagantimpala at pagpaparangal. Sa tuwing nagdaragdag ito ng pagtalima, dinaragdagan Niya ito ng gantimpala at nagpapabilis Siya ng awa Niya at kabutihang-loob Niya. Ang kahulugang ito ay pinaniwalaan ng isang pangkat ng mga may kaalaman kabilang sa mga Alagad ng Sunnah at Pagkakabuklod, na nagpapatibay sa mga katangian [ni Allāh] ayon sa hayag na kahulugan ng mga ito, gaya ni Ibnu Taymiyah. Itinuturing nilang ang ḥadīth na ito ay hindi kabilang sa mga ḥadīth ng mga katangian [ni Allāh]. Naniwala naman ang isang pulutong kabilang sa kanila sa pagpapatibay sa katangian ng pagyagyag para kay Allāh, pagkataas-taas Niya, mula sa ḥadīth na ito nang walang pagsuong sa pagpapaliwanag sa kahulugan nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan