عن أبي مسعود رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«إِذَا أَنْفَقَ الرَّجُلُ عَلَى أَهْلِهِ يَحْتَسِبُهَا فَهُوَ لَهُ صَدَقَةٌ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 55]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya habang umaasa siya ng gantimpala dito [ni Allāh], ito para sa kanya ay isang kawanggawa."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 55]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya na inoobliga sa kanya ang paggugol sa kanila gaya ng maybahay niya, mga magulang niya, anak niya, at iba pa sa kanila, habang siya ay nagpapakalapit-loob sa pamamagitan niyon kay Allāh (napakataas Siya) at umaasa sa Kanya ng pabuya sa iginugugol niya, tunay na magkakaroon siya ng pabuya ng kawanggawa.