+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «دينار أنفقته في سبيل الله، ودينار أنفقته في رقبة، ودينار تصدقت به على مسكين، ودينار أنفقته على أهلك، أعظمها أجرًا الذي أنفقته على أهلك».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa gantimpala ay ang ginugol mo sa mag-anak mo."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang mga anyo ng paggugol at ng pagpapakabuti ay marami. Kabilang sa mga ito ang ginugugol sa pakikibaka sa landas ni Allāh, ang ginugugol sa pagpapalaya ng mga alipin, ang ginugugol sa mga dukha, at ang ginugugol sa mag-anak at mga itinataguyod, subalit ang pinakamainam sa mga ito ay ang paggugol sa mag-anak. Ang gugulin sa mag-anak at mga anak ay isinasatungkulin. Ang guguling isinasatungkulin ay higit na mabigat sa gantimpala kaysa sa guguling iminumungkahi.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Swahili Asami الهولندية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan