عَنْ عَدِيِّ بْنِ حَاتِمٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَا مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ إِلَّا سَيُكَلِّمُهُ اللهُ، لَيْسَ بَيْنَهُ وَبَيْنَهُ تُرْجُمَانٌ، فَيَنْظُرُ أَيْمَنَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ أَشْأَمَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ بَيْنَ يَدَيْهِ فَلَا يَرَى إِلَّا النَّارَ تِلْقَاءَ وَجْهِهِ، فَاتَّقُوا النَّارَ وَلَوْ بِشِقِّ تَمْرَةٍ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1016]
المزيــد ...
Ayon kay `Adīy bin Ḥātim (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Wala sa inyong isa man malibang kakausap sa kanya si Allāh nang walang tagapagsalin sa pagitan niya at Nito. Titingin siya sa kanan mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa kaliwa mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa nakaharap sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang Impiyerno sa tapat ng mukha niya. Kaya mangilag kayo sa Impiyerno, kahit pa man sa pamamagitan ng [pagkakawanggawa ng] kalahati ng isang datiles."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1016]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat mananampalataya ay titindig sa harapan ni Allāh sa Araw ng Pagbangon nang mag-isa at na si Allāh (napakataas Siya) ay kakausap sa kanya nang walang tagapagpagitna at sa pagitan nilang dalawa ay walang isang mananalin na magsasalin ng pag-uusap. Titingin siya sa dakong kanan at kaliwa dahil sa tindi ng pangingilabot at marahil siya ay makatatagpo ng isang daan na tatahakin niya upang matamo para sa kanya ang kaligtasan mula sa Impiyerno na nasa harapan niya. Kapag tumingin siya sa gilid na nasa kanan niya, wala siyang makikita kundi ang anumang ipinauna niya na maayos na gawa. Kapag tumingin siya sa gawing kaliwa niya, wala siyang makikita kundi ang anumang ipinauna niya na masagwang gawa. Kapag tumingin siya sa harapan niya, wala siyang makikita kundi ang Impiyerno. Hindi maaari sa kanya na makalihis palayo roon yayamang walang pag-iwas para sa kanya sa pagdaan sa Landasin. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng Impiyerno ng isang pananggalang mula sa kawanggawa at gawain ng pagsasamabuting-loob, kahit isang maliit na bagay gaya ng isang kalahati ng datiles.