عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«قَالَ اللهُ: أَنْفِقْ يَا ابْنَ آدَمَ أُنْفِقْ عَلَيْكَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5352]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Nagsabi si Allāh: Gumugol ka, O anak ni Adan, gugugol Ako sa iyo."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5352]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi: "Gumugol ka, O anak ni Adan – ng mga guguling kinakailangan at isinakaibig-ibig – magpapaluwag Ako sa iyo, magbibigay Ako sa iyo ng panumbas para roon, at magpapala Ako sa iyo roon."