عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: بال أعرابي في المسجد، فقام الناس إليه لِيَقَعُوا فيه، فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «دعوه وأريقوا على بوله سَجْلاً من ماء، أو ذَنُوبًا من ماء، فإنما بُعِثْتُمْ مُيَسِّرِينَ، ولم تُبْعَثُوا مُعَسِّرِينَ».
[صحيح] - [متفق عليه، واللفظ للبخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: " Umiihi ang isang Arabeng disyerto sa masjid kaya tumayo ang mga tao papunta sa kanya upang sagupain siya kaya nagsabi naman ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Hayaan ninyo siya at magbuhos kayo sa ihi niya ng isang maliit na timba ng tubig o malaking timba ng tubig sapagkat ipinadala lamang kayo bilang mga nagpapadali at hindi kayo ipinadala bilang mga nagpapahirap.'"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan. Ang pananalita ay kay Imām Al-Bukhārīy]
Tumindig ang isang arabeng disyerto at nagsimula sa pag-ihi sa Masjid ng Propeta kaya sinagupa siya ng mga tao sa pamamagitan ng salita nila hindi sa pamamagitan ng mga kamay nila. Ibig sabihin ay sinigawan nila siya. Nagsabi naman sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na hayaan nila ito. Noong natapos na ito sa pag-ihi nito, inutusan niya sila na magbuhos sa lugar na inihian niyon ng isang timbang tubig. Nilinaw niya sa kanila na sila ay mga tagapag-anyaya para sa pagpapadali at hindi para sa pagtataboy at pagpapalayo sa mga tao sa patnubay.