+ -

قال سعد بن هشام بن عامر -عندما دخل على عائشة رضي الله عنها-:
يَا أُمَّ الْمُؤْمِنِينَ، أَنْبِئِينِي عَنْ خُلُقِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَتْ: أَلَسْتَ تَقْرَأُ الْقُرْآنَ؟ قُلْتُ: بَلَى، قَالَتْ: فَإِنَّ خُلُقَ نَبِيِّ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ الْقُرْآنَ.

[صحيح] - [رواه مسلم في جملة حديثٍ طويلٍ] - [صحيح مسلم: 746]
المزيــد ...

Nagsabi si Sa`d bin Hishām bin Āmir noong pumasok siya sa kinaroroonan ni `Ā'ishah (malugod si Allāh rito):
{O Ina ng mga Mananampalataya, magbalita ka sa akin tungkol sa kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Hindi mo ba binibigkas ang Qur'ān?" Nagsabi ako: "Opo." Nagsabi ito: "Tunay na ang kaasalan ng Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Qur'ān."}

[Tumpak] - - [صحيح مسلم - 746]

Ang pagpapaliwanag

Tinanong ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh rito) tungkol sa kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya sumagot ito ng isang pangungusap na masaklaw. Ipinasangguni nito ang tagapagtanong sa Marangal na Qur'ān na tagatipon ng lahat ng mga katangian ng kalubusan. Nagsabi ito na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaasalan ng mga kaasalan ng Qur'ān. Ang anumang ipinag-utos ng Qur'ān ay isinasagawa niya at ang anumang sinaway ng Qur'ān at iniiwasan niya. Kaya ang kaasalan niya ay ang paggawa ayon sa Qur'ān, ang pagtigil sa mga hangganan nito, ang pagsasaetiketa ng mga etiketa nito, at ang pagsasaalang-alang sa mga halimbawa nito at mga kuwento nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsasakaasalan niya ng mga kaasalan ng Qur'ān.
  2. Ang pagbubunyi sa mga kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na ang mga ito ay bahagi ng ilawan ng kasi (pagsisiwalat) ni Allāh.
  3. Ang Qur'ān ay pinagkukunan ng lahat ng mga marangal na kaasalan.
  4. Ang mga kaasalan sa Islām ay sumasaklaw sa Relihiyon sa kabuuan nito sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway.