+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«اللهُمَّ إِنَّمَا أَنَا بَشَرٌ، فَأَيُّمَا رَجُلٍ مِنَ المُسْلِمِينَ سَبَبْتُهُ أَوْ لَعَنْتُهُ أَوْ جَلَدْتُهُ فَاجْعَلْهَا لَهُ زَكَاةً وَرَحْمَةً».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2601]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"O Allah, ako ay tao lamang. Kaya alinmang lalaking kabilang sa mga Muslim na inalipusta ko o isinumpa ko o hinagupit ko, gawin mo iyon para sa kanya bilang pagbusilak at awa."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2601]

Ang pagpapaliwanag

Dumalangin ang Propeta (s) sapagkat nagsabi siya: "O Allah, ako ay tao lamang. Nagagalit ako kung paanong nagagalit ang tao. Kaya alinmang mananampalatayang naperhuwisyo ko o inalipusta ko o isinumpa ko at dinalanginan ko ng pagtaboy mula sa awa Mo o hinagupit ko o sinaktan ko, gawin mo iyon para sa kanya bilang pagbusilak, pampalapit-loob, pagdadalisay, panakip-sala, at awang ipang-aawa Mo sa kanya."

من فوائد الحديث

  1. Ang kadakilaan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  2. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad sa hadith ang kakumpletuhan ng pagkalunos niya (s) sa Kaliputan niya, karikitan ng kaasalan niya, at karangalan ng sarili niya yayamang nagpakay siya ng pagtumbas sa anumang naganap mula sa kanya ng pagbabayad-pinsala at pagpaparangal.
  3. Nagsabi si An-Nawawīy: Kapag sinabi kung papaano siyang mananalangin laban sa sinumang hindi karapat-dapat sa panalangin laban dito o mag-aalipusta rito o susumpa rito at tulad niyon? Ang sagot ay ang isinagot ng mga maalam, na ang ibinuod nito ay dalawang punto: 1. Ang tinutukoy ay hindi karapat-dapat doon sa ganang kay Allah (t) at sa panloob na reyalidad subalit ito sa panlabas ay nakatutugon doon kaya lumitaw sa kanya (s) ang pagkakarapat-dapat nito roon dahil sa isang palatandaang pambatas samanalang ito sa panloob na reyalidad ay hindi karapat-dapat doon. Siya (s) ay inuutusan ng paghatol ayon sa nakahayag samantalang si Allah ay aatupag sa mga lihim. 2. Ang anumang nagana na pang-aalipusta, panalangin laban doon, at tulad niyon ay hindi pinapakay; bagkus ito ay kabilang sa nangyayari sa nakahiratian ng mga Arabe sa pagdudugtong ng pananalita nila nang walang paglalayon gaya ng pagsasabi ng: "Taribat yamīnuk (Maalikabukan nawa ang kanang kamay mo)" at "`Aqrā ḥalqā (Bulalas ng pagkainis at pagtataka)." Nasaad naman sa hadith: "Hindi nawa lumaki ang ngipin mo." Nasaad naman sa hadith ni Mu‘āwiyah: "Hindi nawa busugin ni Allah ang tiyan mo." At mga tulad nito. Hindi sila nagpapakay sa anuman doon ng literal na kahulugan ng panalangin. Nangamba siya (s) na may mapataon na anuman mula roon na pagtugon [ni Allah] kaya humiling siya sa Panginoon niya (zt) at nagsumamo na gawin iyon bilang awa, panakip-sala, pampalapit-loob, pandalisay, at pabula. Nagaganap lamang ito noon mula sa kanya sa ilang pagkakataon nang madalang at bihira. Hindi siya (s) naging isang mahalay ni isang nagpapakahalay ni isang palasumpa ni isang gumaganti para sa sarili niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Asami الهولندية الغوجاراتية الدرية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin