عَنْ عَبْدِ اللهِ بنِ مَسْعُودٍ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ: نَامَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلَى حَصِيرٍ، فَقَامَ وَقَدْ أَثَّرَ فِي جَنْبِهِ، فَقُلْنَا: يَا رَسُولَ اللهِ، لَوِ اتَّخَذْنَا لَكَ وِطَاءً، فَقَالَ:
«مَا لِي وَلِلدُّنْيَا، مَا أَنَا فِي الدُّنْيَا إِلاَّ كَرَاكِبٍ اسْتَظَلَّ تَحْتَ شَجَرَةٍ ثُمَّ رَاحَ وَتَرَكَهَا».
[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه] - [سنن الترمذي: 2377]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Natulog ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang banig saka bumangon siya at nagpabakas nga ito sa gilid niya kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, kung gumawa kaya kami para sa iyo ng isang kutson." Kaya nagsabi siya:
"Ano ang mayroon sa akin at mayroon sa Mundo? Walang iba ako sa Mundo kundi gaya ng isang pasaherong nagpalilim sa ilalim ng isang punong-kahoy pagkatapos umalis at nag-iwan niyon."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 2377]
Bumanggit si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay natulog sa isang maliit na higaang nilala yari sa isa sa mga halaman, saka bumangon siya at nagpabakas nga ito sa gilid niya kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, kung gumawa kaya kami para sa iyo ng isang higaang malambot, talaga sanang ito ay naging higit na maganda kaysa sa paghiga mo sa magaspang na banig na ito." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Wala akong pag-ibig at pagkagiliw sa Mundo nang sa gayon maghangad ako nito sapagkat walang iba ang paghahalintulad sa akin at pamamalagi sa Mundo kundi gaya ng isang pasaherong nagpalilim sa ilalim ng isang punong-kahoy pagkatapos umalis at nag-iwan niyon."