+ -

عَنْ جَابِرِ بْنِ سَمُرَةَ رَضيَ اللهُ عَنْهُ:
أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ إِذَا صَلَّى الفَجْرَ جَلَسَ فِي مُصَلَّاهُ حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ حَسَنًا، وَقَالَ: كَانَ لَا يَقُومُ مِنْ مُصَلَّاهُ الَّذِي يُصَلِّي فِيهِ الصُّبْحَ أَوِ الغَدَاةَ، حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ، فَإِذَا طَلَعَتِ الشَّمْسُ قَامَ، وَكَانُوا يَتَحَدَّثُونَ فَيَأْخُذُونَ فِي أَمْرِ الجَاهِلِيَّةِ، فَيَضْحَكُونَ وَيَتَبَسَّمُ.

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 670]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Jābir bin Samurah (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakapagdasal siya noon sa madaling-araw ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang maigi. Hindi siya noon tumatayo mula sa dasalan niya na pinagdasalan niya ng dasal sa madaling-araw o sa umaga hanggang sa sumikat ang araw. Kapag nakasikat ang araw, tumatayo siya at nag-uusap sila. Nagsisimula sila sa usapin ng Panahon ng Kamangmangan saka tumatawa sila at ngumingiti naman siya.}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 670]

Ang pagpapaliwanag

Bahagi ng Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya, kapag nakapagdasal siya sa madaling-araw, ay umuupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang mataas. Hindi siya noon tumatayo mula sa dasalan niya na pinagdasalan niya ng dasal sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw. Kapag nakasikat ang araw, tumatayo siya at nag-uusap sila. Nagsisimula sila sa pagbanggit ng ilan sa usapin nila bago ng Islam habang siya naman ay nanahimik saka tumatawa sila at marahil ngumingiti naman siya kasama nila.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig sa pagsambit ng dhikr hanggang sa sumikat ang araw at pananatili sa inuupuan dito hanggat hindi nagkaroon ng maidadahilan sa pag-alis.
  2. Ang paglilinaw sa taglay ng Propeta (s) na mararangal sa mga kaasalan at kabanayaran ng pagkatao yayamang nakikiupuan siya sa mga Kasamahan niya at nakikinig sa usapan nila at mga kuwentuhan nila at napapangiti sa mga ito.
  3. Ang pagpayag sa pag-uusap at pagbanggit tungkol sa mga panahon ng Kamangmangan sa masjid.
  4. Ang pagpayag sa pagtawa at pagngiti dahil ang ipinagbabawal ay dalas ng pagtawa.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الهولندية الدرية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية
Paglalahad ng mga salin