عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤمنين رضي الله عنها:
أَنَّ أُمَّ سَلَمَةَ ذَكَرَتْ لِرَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَنِيسَةً رَأَتْهَا بِأَرْضِ الْحَبَشَةِ، يُقَالُ لَهَا مَارِيَةُ، فَذَكَرَتْ لَهُ مَا رَأَتْ فِيهَا مِنَ الصُّوَرِ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «أُولَئِكَ قَوْمٌ إِذَا مَاتَ فِيهِمُ الْعَبْدُ الصَّالِحُ، أَوِ الرَّجُلُ الصَّالِحُ، بَنَوْا عَلَى قَبْرِهِ مَسْجِدًا، وَصَوَّرُوا فِيهِ تِلْكَ الصُّوَرَ، أُولَئِكَ شِرَارُ الْخَلْقِ عِنْدَ اللهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 434]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya):
{Si Umm Salamah ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita niya sa lupain ng Etyopya, na tinatawag na Māriyah, saka bumanggit siya rito ng nakita niya sa loob niyon na mga larawan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga iyon ay mga taong kapag namatay sa kanila ang maayos na lingkod o ang maayos na lalaki, nagpapatayo sila sa ibabaw ng libingan nito ng isang sambahan at nagsasalarawan sila rito ng mga larawang iyon. Ang mga iyon ay ang pinakamasasama sa mga nilikha sa ganang kay Allāh."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 434]
Bumanggit ang ina ng mga mananampalataya na si Umm Salamah (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na siya, noong siya minsan ay nasa lupain ng Etyopya, ay nakakita ng isang simbahang tinatawag na Māriyah, na sa loob niyon ay may mga larawan, mga palamuti, at mga pagsasaimahen, dala ng pagtataka roon. Kaya naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kadahilanan ng paglalagay ng mga larawang ito. Nagsabi siya: "Tunay na ang mga ito na binabanggit mo, kapag namatay sa kanila ang lalaking maayos, ay nagpapatayo sa libingan nito ng isang sambahan na dinadasalan nila at nagsasalarawan sila ng mga larawang iyon." Naglinaw siya na ang tagagawa niyon ay ang pinakamasamang nilikha sa ganang kay Allāh dahil ang gawain niya ay nauuwi sa pagtatambal kay Allāh (napakataas Siya).