عَنْ إِبرَاهِيمَ النَّخَعِيِّ عَنْ هَمَّامِ بنِ الحَارِثِ قَالَ:
بَالَ جَرِيرٌ، ثُمَّ تَوَضَّأَ، وَمَسَحَ عَلَى خُفَّيْهِ، فَقِيلَ: تَفْعَلُ هَذَا؟ فَقَالَ: نَعَمْ، رَأَيْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بَالَ، ثُمَّ تَوَضَّأَ وَمَسَحَ عَلَى خُفَّيْهِ. قَالَ الأَعْمَشُ: قَالَ إِبْرَاهِيمُ: كَانَ يُعْجِبُهُمْ هَذَا الحَدِيثُ؛ لِأَنَّ إِسْلَامَ جَرِيرٍ، كَانَ بَعْدَ نُزُولِ المَائِدَةِ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 272]
المزيــد ...
Ayon kay Ibrāhīm An-Nakha`īy, ayon kay Hammām bin Al-Ḥārith na nagsabi:
{Umihi si Jarīr, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya saka sinabi: "Gumagawa ka niyan?" Kaya nagsabi siya: "Oo. Nakakita ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya." Nagsabi si Al-A`mash: Nagsabi si Ibrāhīm: Nagpahanga sa kanila ang ḥadīth na ito dahil ang pag-anib sa Islām ni Jarīr ay matapos ng pagbaba ng Kabanatang Al-Mā'idah.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 272]
Umihi si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagkasya sa pagpahid sa khuff niya at hindi naghugas ng mga paa niya, saka nagsabi sa kanya ang nasa paligid niya: "Gumagawa ka niyan?" Kaya nagsabi siya: "Oo. Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya." Si Jarīr ay umanib nga sa Islām nang huli matapos ng pagbaba ng Kabanatang Al-Mā'idah na nasaad dito ang talata ng pagsasagawa ng wuḍū', na nagpapahiwatig doon na ang pagpahid sa khuff ay hindi napawalang-bisa ng talatang iyon.