عَنْ المُغِيرَةِ رضي الله عنه قَالَ:
كُنْتُ مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي سَفَرٍ، فَأَهْوَيْتُ لِأَنْزِعَ خُفَّيْهِ، فَقَالَ: «دَعْهُمَا، فَإِنِّي أَدْخَلْتُهُمَا طَاهِرَتَيْنِ» فَمَسَحَ عَلَيْهِمَا.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 206]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Mughīrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 206]
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isa sa mga paglalakbay niya saka nagsagawa siya ng wuḍū'. Noong umabot siya sa paghuhugas ng mga paa, inaabot ni Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanya) ang mga kamay niya upang tanggalin ang nakasuot sa paa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na khuff para hugasan ang mga paa niya. Ngunit nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan mo ang mga iyan at huwag mong tanggalin ang mga iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok ng mga paa ko sa khuff samantalang ako ay nasa kadalisayan. Kaya nagpahid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa khuff niya sa halip na maghugas ng mga paa niya.