عن عبد الله بن عمر رضي الله عنه مرفوعاً: «إنَّ بِلالاً يُؤَذِّن بِلَيلٍ، فَكُلُوا واشرَبُوا حتَّى تَسمَعُوا أَذَان ابنِ أُمِّ مَكتُوم».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay`Ubaydullāh bin `Umar-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Tunay na si Bilal ay tumatawag ng Azan sa gabi;kaya kumain kayo at uminom kayo hanggang sa marinig ninyo ang Azan ng anak ni Ummu Maktum))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Si Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay may dalawang tagatawag ng Azan, sila ay sina: Bilal bin Rabah at `Abdullah bin Ummi Maktum-at siya ay bulag-Si Bilal-malugod si Allah sa kanya-ay tumatawag ng Azan sa Dasal ng Madaling araw [Al-Fajar] bago sumikat ang bukang-liwayway,Sapagkat ito ay oras ng pagtulog at nangangailangan ang mga Tao ng paghahanda rito bago pumasok ang oras nito,At siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpaingat sa mga kasamahan niya na si Bilal-malugod si Allah sa kanya-ay tatawag ng Azan sa gabi,Ipinag-utos niya sa kanila ang pagkain at pag-inom hanggang sa sumikat ang bukang-liwayway,At mananawagan ang ikalawang tumatawag ng [ng Azan] na si Ibn Ummi Maktum-malugod si Allah sa kanya-sapagkat siya ang tatawag [ng azan] sa pagsikat ng ikalawang bukang-liwayway.At ito ay para sa sinumang naglalayun ng pag-aayuno,At sa mga oras na ito ay tiitigilan niya ang pagkain at paag-inom at papasok siya sa pagdarasal.At ito ay nakatalaga lamang [sa oras na] ito at hindi ipinapahintulot sa iba ang pagtawag ng Azan bago dumating sa [nakatakdang] oras.At nagkakaiba [ang mga opinyon ng may kaalaman] sa pagtawag ng unang Azan sa madaling araw,kung sapat na ba ito o nararapat na ito [ay masundan ng] ikalawang Azan,para sa pagpasok ng nakatakdang oras?At ayon sa [napag-kaisahan] ng mga karamihan nang may kaalaman; Ito ay ipinag-uutos at hindi sapat dito [ang isang beses na pagtawag ng Azan]