Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Kapag nagsabi ang mu`adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar;
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag narinig ninyo ang nanawagan ng Azan,sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag [ipinanawagan] ang pagtindig sa pag-aalay ng dasal at nailatag ang hapunan,Magsimula kayo sa hapunan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang magsabi kapag narinig niya ang panawagan: "O Allah! Panginoon ng ganap na panawagan na ito at [Panginoon] ng [takdang oras ng] ng pagdarasal na isasagawa,Pagkalooban Mo si Muhammad ng karapatang mamagitan at pagkabukod-tangi at iangat siya [sa araw ng paghuhukom] a pinakamabuti at pinakamataas na antas sa Paraiso na Iyong ipinangako sa kanya," Mapapasakanya ang aking Pamamagitan sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh; magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Bilal ay tumatawag ng Azan sa gabi;kaya kumain kayo at uminom kayo hanggang sa marinig ninyo ang Azan ng anak ni Ummu Maktum
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Napag-utusan si Bilal na gawin niyang pares ang pagtawag ng Adhan,at gawing gansal ang Iqamah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa tolda,sa kanya ay mayroong pula mula sa suot ng Angkan ni Adan,Nagsabi siya:Naglabas si Bilal ng lalagyan [ng tubig para sa Wudhu],kinuha niya ang natitirang tubig at lalagyan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Asha`tha`a,Nagsabi siya:Kami ay naka-upo kasama si Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya,sa Masjid,hanggang sa tumawag ng Adhan ang mananawag,Tumayo ang isang lalaki mula sa Masjid at naglakad,sinundan siya ni Abe Hurayrah sa mata nito hanggang sa lumabas siya sa Masjid,Nagsabi si Abu Hurayrah:Ngunit ang gawaing iyan,ay totoong sumuway kay Abal Qa`seem,-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.Isinalaysay ni Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nanawagan para sa pagdarasal, tumatalikod ang demonyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga mu`adhdhin ay ang pinakamahaba sa mga tao sa mga leeg
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Abdullah bin Zaid,nagsabi siya; Nang ipag-utos ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kampanilya na gamitin sa mga Tao upang magtipon para sa pagdarasal,umikot sa akin habang ako ay natutulog,ang isang lalaki na nagdadala ng kampanilya sa kamay niya,Nagsabi ako; O alipin ni Allah,ibinibinta moba ang kampanilya? Sinabi niya: Ano ang gagawin mo rito? Nagsabi ako; Ipang-aanyaya namin ito sa pagdarasal,Sinabi niya; Gusto mobang ituro ko sa iyo ang mas mainam pa rito?Nagsabi ako sa kanya; Oo,Sinabi niya: Nagsabi siya; Sabihin mo; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa pagdarasal,Humayo sa tagumpay,Humayo sa tagumpay,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,Pagkatapos ay nagpahuli siya sa akin ng hindi kalayuan,pagkatapos ay sinabi niyang;At sabihin mo;Kapag itinidig mo ang pagdarasal; Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah, Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ni Allah, Humayo sa pagdarasal, Humayo sa tagumpay,Tunay na ititindig ang pagdarasal,Tunay na ititindig ang pagdarasal,[ At sa isang salaysay; Kapag sa pagdarasal ng madaling-araw,sinasabi kong; Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog,Ang pagdarasal ay mas mainam sa pagtulog] ,Ang Allah ay Dakila,Ang Allah ay Dakila,Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah,At nang sa kina-umagahan,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi ko sa kanya ang nakita ko,Nagsabi siya; (( Katotohanang ito ay panaginip na totoo,Sa kapahintulutan ni Allah,tumindig ka kasama si Bilal,ibulong mo sa kanya ang nakita mo,at magtawag siya ng Azan gamit ito,sapagkat siya ay may mas-mainam na boses kaysa sa iyo)),Tumindig ako kasama si Bilal,at ibinubulong ko ito sa kanya,at binibigkas niya ito sa (pagtawag) ng Azan,Nagsabi siya; Narinig ito ni `Umar bin Al-Khattab,habang siya ay nasa loob ng bahay niya,lumabas siya na nakakaladkad ang damit nito,at sinasabi niya; Sumpa sa nagpadala sa iyo sa katotohanan O Sugo ni Allah,Tunay na nakita ko ang tulad ng nakita niya, Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (( Ang lahat ng Papuri ay kay Allah)) Sunan Abe Dawud
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kabilang sa Sunnah,Kapag sinabi ng nagtatawag ng Azan sa Azan ng Fajr: Humayo sa Tagumpay,magsasabi siya: Ang pagdadasal ay higit na mainam mula sa pagtulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ikaw na ang Imam nila,at pangalagaan mo [ang kapakanan] ng mahihina sa kanila,at magtalaga ka ng Mu`adhin na hindi kukuha sa pagtatawag niya ng Adhan ng kabayaran
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Tagatawag (ng Azan) ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay (laging) nagpapaliban at hindi itinitindig ang pagdarasal,Hanggang sa kapag nakita na niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay lalabas siya at (ipapanawagan niya) ang pagtindig ng dasal kapag nakita niya ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh. Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh." Pagkatapos nagsabi siya sa ikalawang pagkakataon: "Para sa sinumang nagnais."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Adhan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si Bilal na lumabas sa kalupaan na (nakapilbot sa Meccah),Tumawag siya ng Azan,at nang umabot siya sa "Humayo sa Salah", Humayo saTagumpay",inilingon niya ang leeg nito sa kanan at sa kaliwa,na hindi siya umiikot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Tumatawag ng Azan ang siyang nagmamay-ari ng karapatan (sa pag-uutos) sa pagtawag ng Azan,at ang namumuno sa pagdarasal o Imam ay siyang nagmamay-ari ng karapatan (sa pag-uutos) sa pagatawag ng Iqamah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Bilāl ay tumawag ng Āzān bago sumikat ang Fajr,Ipinag-utos sa kanya ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na bumalik at sabihin sa mga tao: (( Gayunpaman ang alipin ay nakatulog,Gayunpaman ang alipin ay nakatulog))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu