عن أنس بن مالك رضي الله عنه مرفوعاً: «أُمِر بِلاَل أن يَشفَع الأَذَان، ويُوتِر الإِقَامَة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:((Napag-utusan si Bilal na gawing pares ang pagtawag ng Adhan,at gawing gansal ang Iqamah))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Inutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang kanyang taga-tawag ng Azan na si "Bilal-malugod si Allah sa kanya" na gawin niyang pares ang pagtawag ng Adhan sapagkat ito ay upang ipaalam sa mga Hindi nakadalo,Kaya ang gagamitin niya sa pananalita ay dalawahan,At hindi kasali rito ang (Pagbigkas ng Allahu Akbar) sa una nito,dahil tunay na napagtibay na ito ay apatan,at gayundin ang (salitang Kaisahan ni Allah sa Pagkapanginoon) sa huli nito,dahil napagtibay na ito ay isahan.At gayundin,ipinag-utos niya kay Bilal na gawing gansal ang Iqamah,sapagkat ito ay pagpapa-ingat sa mga nakadalo,At ito ay sa pamamagitan ng pagbigkas niya sa pangungusap na isahan,at hindi kasali dito ang (Pagbigkas ng Allahu Akbar),at "Tunay na ititindig ang pagdarsal" dahil tunay na napagtibay na ang [pagbigkas] sa kanila dito ay dalawahan.