عَنْ سَعْدِ بْنِ أَبِي وَقَّاصٍ رضي الله عنه عَنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنَّهُ قَالَ:
«مَنْ قَالَ حِينَ يَسْمَعُ الْمُؤَذِّنَ أَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَحْدَهُ لَا شَرِيكَ لَهُ، وَأَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ، رَضِيتُ بِاللهِ رَبًّا وَبِمُحَمَّدٍ رَسُولًا، وَبِالْإِسْلَامِ دِينًا، غُفِرَ لَهُ ذَنْبُهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 386]
المزيــد ...
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), magpapatawad sa kanya sa pagkakasala niya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 386]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: "Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah," (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya)." Ibig sabihin: Naninindigan ako, kumikilala ako, at nagpapabatid ako na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh at ang bawat sinasambang iba sa Kanya ay kabulaanan. "wa anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)." Ibig sabihin: Na siya ay isang lingkod na hindi sinasamba at isang sugo na hindi nagsisinungaling. "Raḍītu bi-llāhi rabban, (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon,)." Ibig sabihin: Sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. "wa-bi-muḥammadir rasūlan, (kay Muḥammad bilang Sugo)." Ibig sabihin: Sa lahat ng ipinasugo sa Kanya at ipinaabot niya sa atin. "wa-bi-l'islāmi dīnā. (at sa Islām bilang Relihiyon.)." Ibig sabihin: sa lahat ng mga patakaran ng Islām na mga ipinag-uutos at mga sinasaway. "bilang Relihiyon." Ibig sabihin: bilang paniniwala at bilang pagpapaakay. "magpapatawad sa kanya sa pagkakasala niya." Ibig sabihin: mula maliliit na kasalanan.