+ -

عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رضي الله عنهما أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ قَالَ حِينَ يَسْمَعُ النِّدَاءَ: اللَّهُمَّ رَبَّ هَذِهِ الدَّعْوَةِ التَّامَّةِ، وَالصَّلاَةِ القَائِمَةِ، آتِ مُحَمَّدًا الوَسِيلَةَ وَالفَضِيلَةَ، وَابْعَثْهُ مَقَامًا مَحْمُودًا الَّذِي وَعَدْتَهُ، حَلَّتْ لَهُ شَفَاعَتِي يَوْمَ القِيَامَةِ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 614]
المزيــد ...

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang panawagan, ng: Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmāti wa-ṣṣalāti -lqā’imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang lubos at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at buhayin Mo siya sa katayuang pinapupurihan, na ipinangako Mo), dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 614]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi, kapag nakaririnig sa mu'adhdhin matapos na magwakas ito mula roon, ng sumusunod:
"Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang)" na mga pananalita ng adhān na ipinananawagan sa pagsamba kay Allāh at ṣalāh; "[a]ttāmmāti (ganap)" lubos, ang panawagan ng Tawḥīd at Pasugo. "wa-ṣṣalāti -lqā’imah (at ṣalāh na isasagawa)" palagian na isasagawa. "āti muḥammadani -lwasīlata (ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan)" at ang katayuang mataas sa Paraiso na hindi nararapat kundi sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "wa-lfaḍīlah (at ang kalamangan)" ang antas na nakahihigit sa mga antas ng mga nilikha. "wa-b`athhu (buhayin Mo siya) at bigyan Mo siya. "maqāmam maḥmūdan (sa katayuang pinapupurihan)" na pupurihin ang tatayo roon, ang pinakadakilang Pamamagitan sa Araw ng Pagbangon. "[a]lladhī wa`attahu (na ipinangako Mo)" sa sabi Mo (Qur'ān 17:79): {marahil buhayin ka ng Panginoon mo sa isang katayuang pinapupurihan} dahil ito ay magiging ito ay ukol sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kaya ang sinumang dumalangin ng panalanging ito, naging karapat-dapat siya at nangindapat sa kanya ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng Pagbangon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng panalanging ito matapos ng pagkatapos ng pag-uulit-ulit matapos ng mu'adhdhin. Ang sinumang hindi nakarinig ng adhān, tunay na siya ay hindi magsasabi nito.
  2. Ang kalamangan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay yayamang ibinigay sa kanya ang kaparaanan, ang kalamangan, ang katayuang pinapupurihan, at ang Pamamagitang pinakadakila sa pagpapasya sa pagitan ng mga nilikha.
  3. Ang pagpapatibay sa Pamamagitan para sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa sabi niya: {dadapo sa kanya ang Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon.}
  4. Ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay para sa mga may malalaking kasalanan kabilang sa Kalipunan niya alang-alang sa hindi pagpasok sa Impiyerno o para sa mga pumasok doon upang lumabas sila mula roon o alang-alang sa pagpasok sa Paraiso nang walang pagtutuos o sa pag-angat ng mga antas ng mga pumasok doon.
  5. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Mula sa simula nito hanggang sa pagsabi ng: "Muḥammadar rasūlu -llāh (si Muḥammad ay Sugo ni Allāh)" ang panawagang lubos. Ang pagsabi ng: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh, ḥ̣ayya `ala -lfalāḥ (Halika sa pagdarasal, halika sa tagumpay)" ay ang ṣalāh na nananatili sa sabi ni Allāh: "nagpapanatili ng pagdarasal." Naisasaposibilidad na ang tinutukoy sa ṣalāh ay ang pagdalangin at sa nananatili ay ang namamalagi batay sa kahulugang nanatili sa anuman kapag namalagi rito. Naisasaposibilidad na ang tinutukoy sa ṣalāh ay ang nakasanayang ipinananawagan sa sandaling iyon, na siyang pinakahayag.
  6. Nagsabi si Al-Muhallab: Sa ḥadīth ay may paghimok sa pagdalangin sa mga oras ng mga ṣalāh dahil ito ay ang kalagayan ng pag-asa sa pagtugon [ni Allāh].
Ang karagdagan