عن عائشة رضي الله عنها عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه قال: «لا يَقْبَل الله صلاة حَائض إلا بِخِمَار».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tunay na kanyang sinabi: ((Hindi tinaanggap ni Allah ang dasal ng [babaing dinadatnan ng] regla,maliban sa pagsuot ng belo))
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Hindi ipinapahintulot sa babaing nasa wastong gulang,may pag-iisip na magdasal nang walang suot na belo,Ibig sabihin ay: Nakikita ang ulo niya at ang leeg niya,at kung magdasal man siya,ang dasal niya ay hindi magiging wasto, dahil sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- : ( Hindi tinatanggap ni Allah) ibig sabihin ay: Tinanggihan ang pagtanggap,at ang ipinapahiwatig doon ay: tinanggihan ang katumpakan at mga bahagi nito.At ang tinutukoy sa [babaing dinadatnan ng] regla rito ay: Ang babaing nasa wastong gulang, kung saan ay umabot sa edad ng pagregla,sa kahit na anong palatandaan ng pagiging wastong gulang,At ito ay ang mga: pagregla,paglabas ng semen,pagtubo ng buhok sa maselang bahagi ng katawan,o pagsapit ng ganap na labin-limang taong gulang,At kaya ipinahayag nito ang pagregla dahil ito ay para sa mga kababaihan lamang,at dahil ito ang kadalasang [nangyayari],at hindi tinutukoy rito ang [babaing] dinadatnan ng regla,sapagkat ang babae ay pinagbabawalan ng pagdarasal sa panahon ng pagregla,batay sa napagtibay sa sunnah at pagkakaisa ng mga eskolar