+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لاَ يُصَلِّي أَحَدُكُمْ فِي الثَّوْبِ الوَاحِدِ لَيْسَ عَلَى عَاتِقَيْهِ شَيْءٌ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 359]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi magdarasal ang isa sa inyo sa iisang damit habang sa ibabaw ng mga balikat niya ay walang anuman."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 359]

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagsasagawa ng ṣalāh sa iisang damit na mag-alis siya sa mga balikat niya ng takip sa pagitan ng dulo ng balikat at leeg, sa paraang hindi siya naglalagay sa mga ito ng anumang nagtatakip sa mga ito, dahil ang pagtatakip sa mga balikat, kahit pa ang mga ito ay hindi `awrah, ay higit na posible sa pagtatakip sa `awrah. Ito ay higit na malapit sa pagpipitagan kay Allāh (napakataas Siya) at pagdakila sa Kanya sa sandali ng pagtindig sa harap Niya sa ṣalāh.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpayag sa pagsasagawa ng ṣalāh sa iisang damit kapag tumakip ito sa kinakailangang takpan.
  2. Ang pagpayag sa pagsasagawa ng ṣalāh sa dalawang damit, na ang isa sa dalawa ay tumatakip sa mataas na bahagi ng katawan at ang isa pa ay tumatakip sa mababang bahagi nito.
  3. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagiging ang tagapagsagawa ng ṣalāh ay nasa isang magandang anyo.
  4. Ang pagkakinakailangan ng pagtatakip ng mga balikat o ng isa sa mga ito sa pagsasagawa sa ṣalāh kapag naisaposible sa kanya iyon. Sinabing ang pagsaway ay para sa pagpipitagan.
  5. Ang kakauntian ng ari-ariang nasa mga kamay ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) hanggang sa tunay na ang ilan sa kanila ay hindi nagmamay-ari ng dalawang damit.
  6. Nagsabi si Imām An-Nawawīy kaugnay sa kahulugan ng ḥadīth: Ang kasanhian nito ay na kapag nagtapis siya nito at walang anuman sa ibabaw ng balikat niya, hindi magagarantiyahan na hindi malantad ang `awrah niya, na kasalungatan sa kapag naglagay siya ng isang bahagi nito sa ibabaw ng balikat niya, at dahil siya ay maaaring mangailangan ng paghawak nito ng kamay niya o mga kamay niya kaya maaabala siya dahil doon. Mawawaglit sa kanya ang sunnah ng paglalagay ng kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa ilalim ng dibdib niya, ng pag-aangat ng mga ito kung saan isinabatas ang pag-aangat, at ng iba pa roon, dahil dito ay may pagwawaksi sa pagtatakip sa mataas na bahagi ng katawan at lugar ng gayak. Nagsabi nga si Allāh (Qur'ān 7:31): {magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid.}