عن أبي مَرْثَدٍ الغَنَوِيّ رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«لَا تَجْلِسُوا عَلَى الْقُبُورِ، وَلَا تُصَلُّوا إِلَيْهَا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 972]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Marthad Al-Ganawīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong umupo sa mga libingan at huwag kayong magdasal paharap sa mga ito."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 972]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-upo sa mga libingan.
Sumaway rin siya laban sa pagsasagawa ng ṣalāh paharap sa mga libingan sa pamamagitan ng pagiging ang libingan ay nasa dako ng qiblah ng nagsasagawa ng ṣalāh dahil iyon ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk.