عن علي رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«رُفِعَ الْقَلَمُ عن ثلاثة: عن النائم حتى يَسْتَيْقِظَ، وعن الصبي حتى يَحْتَلِمَ، وعن المجنون حتى يَعْقِلَ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي في الكبرى وابن ماجه وأحمد] - [سنن أبي داود: 4403]
المزيــد ...
Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 4403]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pag-aatang ng tungkulin ay mananatili sa mga anak ni Adan maliban sa tatlong ito:
ٍٍSa munting bata hanggang sa lumaki siya at maging adulto.
Sa baliw na nawalan ng isip hanggang sa bumalik sa kanya ang isip niya.
Sa natutulog hanggang sa magising siya.
Kaya naman ang pag-aatang ng tungkulin ay pinawi nga sa kanila at ang paggawa nila ng kasalanan ay hindi itinatala laban sa kanila subalit itinatala ang kabutihan para sa munting paslit, hindi sa baliw at natutulog dahil ang dalawang ito ay nasa larangan ng sinumang hindi natatanggapan ng katumpakan ng pagsamba dahil sa paglaho ng pagkadama.