عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ اللَّهَ تَجَاوَزَ عَنْ أُمَّتِي مَا حَدَّثَتْ بِهِ أَنْفُسَهَا، مَا لَمْ تَعْمَلْ أَوْ تَتَكَلَّمْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5269]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na si Allāh ay nagpalampas sa Kalipunan ko ng anumang isinaysay nito sa sarili nito hanggat hindi nito ginawa o sinalita."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5269]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim ay hindi pinananagot dahil sa sanaysay sa sarili na kasamaan bago ng paggawa nito o pagsasalita nito yayamang pinawi ni Allāh ang kaasiwaan at pinagpaumanhinan Niya. Hindi nagpanagot si Allāh sa Kalipunan ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa natagpuan sa isip at nagpabalik-balik sa sarili nang hindi siya napapanatag dito at nanatili sa kanya. Kung nanatili ito sa puso niya gaya ng pagmamalaki o kapalaluan o pagpapaimbabaw o paggawa ng mga bahagi ng katawan niya o nagsabi siya sa pamamagitan ng dila niya, tunay na siya ay pananagutin dahil doon.