+ -

عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«إِذَا قَالَ الْمُؤَذِّنُ: اللهُ أَكْبَرُ اللهُ أَكْبَرُ، فَقَالَ أَحَدُكُمُ: اللهُ أَكْبَرُ اللهُ أَكْبَرُ، ثُمَّ قَالَ: أَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، قَالَ: أَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، ثُمَّ قَالَ: أَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، قَالَ: أَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، ثُمَّ قَالَ: حَيَّ عَلَى الصَّلَاةِ، قَالَ: لَا حَوْلَ وَلَا قُوَّةَ إِلَّا بِاللهِ، ثُمَّ قَالَ: حَيَّ عَلَى الْفَلَاحِ، قَالَ: لَا حَوْلَ وَلَا قُوَّةَ إِلَّا بِاللهِ، ثُمَّ قَالَ: اللهُ أَكْبَرُ اللهُ أَكْبَرُ، قَالَ: اللهُ أَكْبَرُ اللهُ أَكْبَرُ، ثُمَّ قَالَ: لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، قَالَ: لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ مِنْ قَلْبِهِ دَخَلَ الْجَنَّةَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 385]
المزيــد ...

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag nagsabi ang mu`adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar [saka] nagsabi naman siya ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: lā ilāha illa –llāh [saka] nagsabi naman siya ng: lā ilāha illa –llāh, matapos niyon; papasok siya sa Paraiso."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 385]

Ang pagpapaliwanag

Ang adhān ay ang pagpapahayag sa mga tao ng pagsapit ng oras ng ṣalāh. Ang mga pangungusap ng adhān ay mga pangungusap na sumasaklaw sa paniniwala ng Pananampalataya.
Sa ḥadīth na ito, nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang isinasabatas sa sandali ng pagkarinig ng adhān: na magsabi ang nakaririnig ng tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin. Kaya kapag nagsabi ang mu'adhdhin ng: Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila), magsasabi ang nakaririnig ng: Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Gayon nga, maliban sa sandali ng pagsabi ng mu'adhdhin ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) at Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) sapagkat magsasabi ang nakaririnig ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh).
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-ulit-ulit, kasama ng mu'adhdhin, nang wagas mula sa puso niya, papasok siya sa Paraiso.
Ang mga Kahulugan ng mga Pananalita ng Adhān: Ang "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" ay nangangahulugang: si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay pinakadakila, pinakakapi-pitagan, at pinakamalaki kaysa sa bawat anuman.
Ang "Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh)" ay nangangahulugang: walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh.
Ang "Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh)" ay nangangahulugang: kumikilala ako at sumasaksi ako sa pamamagitan ng dila ko at puso ko na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, na nagsugo sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at kinakailangan ang pagtalima sa kanya.
Ang "Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh)" ay nangangahulugang halikayo sa ṣalāh. Ang sabi naman ng nakaririnig ng "Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)" ay nangangahulugang walang kaparaanan sa pagkaalpas sa mga tagapigil ng pagtalima, walang lakas sa paggawa nito, at walang kakayahan sa anuman sa mga bagay kundi sa pamamagitan ng paggabay ni Allāh (napakataas Siya).
Ang "Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay)" ay nangangahulugang halikayo kayo sa kadahilanan ng tagumpay: ang pagtamo ng Paraiso at kaligtasan sa Impiyerno.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng pagsagot sa mu'adhdhin ng tulad sa sinasabi niya, maliban sa dalawang Ḥayya sapagkat magsasabi ng "Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh)".