+ -

عن قيس بن عاصم رضي الله عنه قال:
أتيتُ النبيَّ صلى الله عليه وسلم أُريدُ الإسلامَ، فأَمَرَني أن أغتَسِلَ بماءٍ وسِدرٍ.

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي] - [سنن أبي داود: 355]
المزيــد ...

Ayon kay Qays bin `Āṣim (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagnanais ako na umanib sa Islām, kaya nag-utos siya sa akin na maligo ako sa pamamagitan ng tubig at sidr.}

[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 355]

Ang pagpapaliwanag

Pumunta si Qays bin `Āṣim sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang siya ay nagnanais na umanib sa Islām, kaya nag-utos sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maligo siya sa pamamagitan ng tubig at dahon ng punong sidr dahil sa pagiging ang mga dahon nito ay ginagamit sa paglilinis at dahil sa taglay nito na mabangong amoy.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagpaligo ng hindi Muslim sa sandali ng pagpasok niya sa Islām.
  2. Ang dangal ng Islām at ang pagpapahalaga nito sa katawan at kaluluwa nang sabayan.
  3. Ang pagkahalo ng tubig sa mga bagay na dalisay ay hindi nagpapalabas dito mula sa pagkadalisay.
  4. Magagamit kapalit sa sidr ang mga modernong panlinis gaya ng sabon at tulad nito.