+ -

عن ميمونة بنت الحارث رضي الله عنها قالت: "وَضَعتُ لِرسولِ الله صلى الله عليه وسلم وَضُوءَ الجَنَابَة، فَأَكفَأ بِيَمِينِهِ على يساره مرتين -أو ثلاثا- ثم غَسَل فَرجَه، ثُمَّ ضَرَب يَدَهُ بالأرضِ أو الحائِطِ مرتين -أو ثلاثا- ثم تَمَضْمَضَ واسْتَنْشَقَ، وَغَسَلَ وَجهَه وذِرَاعَيه، ثُمَّ أَفَاضَ على رَأسِه الماء، ثم غَسَل جَسَدَه، ثُمَّ تَنَحَّى، فَغَسَل رِجلَيه، فَأَتَيتُه بِخِرقَة فلم يُرِدْهَا، فَجَعَل يَنفُضُ الماء بِيَده".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Maymūnah bint Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: "Naglagay ako ng tubig para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isasagawang niyang wudhu dahil sa pagiging junub.Binuhusan ng kanang kamay nito ang kaliwa ng dalawa o tatlong beses-pagkatapos ay hinugasan niya ang kanyang ari,pagkatapos ay ipinahid niya ang kanyang kamay sa lupa o sa pader ng dalawa o tatlong beses-pagkatapos ay nagmugmog siya at suminghot,at hinugasan nito ang mukha niya at ang dalawang braso niya,pagkatapos ay nagpadaloy siya ng tubig sa ulo niya,pagkatapos ay hinugasan nito ang katawan niya,at saka siya lumipat sa ibang lugar,hinugasan nito ang dalawang paa niya,Binigyan ko siya ng pamunas subalit hindi niya ito tinanggap,at pinupunas niya ang mga tubig gamit ang kanyang kamay"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa Hadith na ito ay ipinahayag ng Ina ng mananampalataya na si Maymūnah bint Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya-ang isang paraan mula sa pamamaraan ng pagligo ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagiging Junub-Kung saan ay naglagay siya sa lugar na nakahanda para paliguan niya-ng tubig upang gamitin niya sa pagligo,Binuhusan ng kanang kamay niya ang kaliwa at hinugasan ito ng dalawa o tatlong beses,pagkatapos ay hinugasan nito ang ari niya upang linisin ang anumang nakasabit rito mula sa bakas ng pagiging junub.pagkatapos ay ipinahid nito ang kamay niya sa lupa o pader,at hinimas niya ito ng dalawa o tatlong beses,pagtapos ay nagmugmog siya at suminghot [ng tubig],at saka hinugasan ang mukha at dalawang braso nito.pagkatapos ay nagpadaloy siya ng tubig sa kanyang ulo,at pagkatapos ay hinugasan ang natitirang bahagi ng katawan nito,pagkatapos ay lumipat siya ng lugar niya at hinugasan nito ang dalawang paa niya sa ibang lugar sapagkat hindi pa niya ito nahugasan noon,pagkatapos ay binigyan niya ito ng tela upang gawing pamunas,ngunit hindi niya ito kinuha,at pinabayaan niyang dumaloy ang tubig sa kanyang katawan at kamay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin